Ilan sa mga tao ay pinupuna nila ang mga Shia dahil sa
paniniwala na ang mga Imams ng kagalang- galang na pamilya ng
Propeta ay mga impalible (di-maaaring magkamali).
ANG KASAGUTAN
Ang Shia ay naniniwala na ang mga Imam, na silang mga
hinirang ng Allah, ay kailangang impalible. Ang sabi ng Allah:
Sinabi Niya, “Tunay, gagawin kitang isang Imam ng
sangkatauhan.” Itinanong ni Abaraham, “At mula sa aking
supling?” Sinabi Niya, “Hindi kasama sa Aking tipan ang mga
nagkasala.” (2:124)
At sinumang lumabag sa mga hangganan siya ay sadyang
nagkakasala sa kanyang sariling kaluluwa. (65:1)99
At sino mang lumabag sa hangganang itinakda ng
Allah, sila ang mga makasalanan. (2:229)
Ang pagka- impalible ay isang kundisyon para sa mga banal na
Imam at ito ay limitado, pagkatapos ng Propeta Muhammad (s),
hanggang sa Labindalawang mga Imams, dahil wala ng iba pang
impalible maliban sa kanila ayon sa pagkakasundo-sundo. Dagda g
pa dito, ang talata ng Kor ng Allah a n; nais na pawiin ang lahat
ng dumi sa inyo, O mga Kasambahay ng Tahanan, at kayo ay
ganap na linisin. 33:33, ay nagpatunay na sina Imam Ali, Imam
Hasan at Imam Husayn ay mga impalible. Maraming tradisyon sa
propesiya ay nagpatotoo din ng pagka-impalible ng Labindalawang
Imams (sumakanila ang kapayapaan ).
Ang naunang talata na nabanggit ay nagbigay patunay ng pagkaimpalible ng pamilya ng Propeta. At ipinakita din na ang kanilang
kadalisayan ay mula sa Allah at hindi pampagbabatas na bagay,
dahil ang pampagbabatas na hangarin ng pagdalisay mula sa
karumihan ay hindi lamang nauukol sa pamilya ng Propeta, kundi
sakop ang lahat ng tao. Ang pampagbabatas ay nakatuon din ang
pansin sa sariling kapakanan lamang, samantala, itong talata ng
Koran ay nagpakita ng hangarin ng Allah ang dalisayin ang mga
taong ito sa kung anumang dumi ay Kanyang malikhaing hangad.
Ang sabi ng Allah,
Tunay nga, ang utos Niya, kapag nilalayon Niya ang isang
bagay, ay sinasabi lamang Niya hinggil doon, “Maganap,” At
iyon ay nagaganap.(36:82)
At siyempre, ano ang layunin ng marumi ay hindi karumihan sa
pangangatawan, ngunit ang panloob na karumihan yaong
nagsasalita ng walang pakundangan sa banal na bagay, kawalang
paniniwala, pagkakasala, pagkasuwail at lahat ng kasalanan.
Kung sasabihin ninuman na ang pagdalisay ay maaring
mangahulugan na patawarin ng Allah ang kanilang kasalanan.100
Ang isasagot ko ay, ang pagpapatawad ay hindi nililinis ang
dumi mula sa kaluluwa ng pagka-suwail, ngunit ito ay ang alisin
ang parusa mula sa kanya. Bukod sa, ang pagpapatawad ng
kasalanan ay hindi magkakaroon maliban kung nagawa na ang
pagkakasala. Kaya, ang makasalanang tao ay hindi malinis
(dalisay) sa panahon na ginagawa ang kasalanan, habang ang talata
ng Koran ay nagsasaad ng ganap na pagdadalisay.101
Ang Ikalabing-isang Huwad na Pangangatuwiran:
ANG MGA HIMALA NG MGA IMAMS
Ilan sa mga tao ang pumupuna sa Shia dahil sa paniniwala na
ang mga Imams ay may mga himala na katulad ng mga himala ng
mga Propeta.
ANG KASAGUTAN
Ano ang ibig sabihin namin ng mga himala ng mga Imams ay
ang karisma na magpapatunay ng kanilang pagka-Pinuno
(Imamate), pagka- guwardiyan at kanilang pagkatao bilang patunay
na sila ay mula sa Allah na nakasalamuha sa sangkatauhan at ang
tagapagitna sa pagitan ng tao at ng mga Propeta (s). Sumangguni
sa aklat na may pamagat (Ithbatul-Hudat bin-Nusus wa alMu’jizaat). Binanggit ng may-akda ang mga himala ng
Labindalawang Imams na may matatag na mga pagsasalaysay na
siyang malawak na ipinagsalaysay ng di- naudlot na mga tanikalang
pagsasalaysay. Sumangguni sa Ihqaqul-Haq tomo 11, 12 at 19,
kung ibig ninyong malaman ang mga himala at karisma ng mga
Imams tulad sa nabanggit sa mga aklat ng Sunni. Sakop pa nito 102
ang ilang nabanggit sa mga aklat ng Sunni na may pamagat ng mga
aklat, ang bilang ng mga pahina at ng edisyon. 103
Ang Ikalabindalawang Huwad na Pangangatuwiran:
PANGALANAN ANG TAO NG
PANGALANG TULAD NG
ABDUN-NABI AT IBA PANG TULAD NIYAN
May ilang pumupuna sa Shia dahil pinapangalanan nila ang
kanilang mga anak ng pangalang tulad ng Abdun-Nabi –alipin ng
Propeta–, Abdur-Rasul –alipin ng Sugo–, Abd Ali –alipin ni Ali–,
Abdul-Husayn –alipin ni Husayn –, samantala ang ganyang
pangalan ay hindi pinapahintulutan dahil ang pagiging alipin para
sa iba maliban sa Allah ay isang politeismo.
ANG KASAGUTAN
Ang pakikipag-ugnay ay pagsamba sa iba sa halip na sa Allah,
alinman sa dalawa, ang pagsamba sa bagay na iyon na nag- iisa o
kaalinsabay sa Allah. Ang pagsamba ay ang pagsuko sa sinasamba
ang gawin itong banal at itulad sa Maykapal. Ngunit ang paggamit
lamang ng katagang alipin sa harap ng nilalang na bagay ay hindi
nangangahulugan ng pagsamba. Pinagtibay ang katotohanang ito 104
ng Banal na Koran at ng maraming tradisyon ng Propeta. Sinabi
ng Allah,
“At isaayos ang pag-aasawa ng mga balo sa inyo, at ng inyong
mga lalaking alipin at mga babaing alipin na handa nang magasawa.” (24:32)
Hindi ito nangangahulugan na ang alipin ay sinasamba niya ang
kanyang panginoon. Kahalintulad lamang din ng pagsasabi tungkol
sa pangalang tulad ng Abdun-Nabi (alipin ng Propeta) at AbdulHusayn (alipin ni Husayn). At sa magkatulad na pagkakataon,
yaong mga pumupuna sa mga Shia dahil sa paggamit ng mga
pangalang ito, mismong sarili nila ay tumatawag sa kanilang mga
boss „aking amo‟ at wala silang problema tungkol dito! 105
Ang Ikalabintatlong Huwad na Pangangatuwiran:
MAHALIN ANG PAMILYA NG PROPETA
Ilan sa mga tao ay huwad na nangangatuwiran na ang mga Shia
ay higit nilang mahal ang pamilya ng Propeta kaysa sa Allah at ng
Kanyang Sugo na si Muhammad (s), at sa kanilang paniniwala ang
pagmamahal nila sa kanila ay sapat na upang mapunta sila sa
paraiso at iligtas sila mula sa impiyerno.
ANG KASAGUTAN
Ito ay isang malaking kasinungalingan. Mahal ng mga Shia ang
pamilya ng Propeta simple lamang sapagkat sila ay pamilya ng
Propeta (s) at alang-alang sa pagmamahal nila sa Propeta. Ang
kanilang pagmamahal sa Propeta ay dahil siya ay Sugo ng Allah.
Samakatuwid, di-makatwiran para sa isang Shia na mahalin ang
pamilya ng Propeta ng higit pa sa pagmamahal nila sa Propeta at
napakawalang-katwiran na mahalin nila ang Propeta ng higit pa sa
pagmamahal nila sa Allah. 106
Ang Ikalabing-apat na Huwad na Pangangatuwiran:
PAG-INTINDI NG TEKSTO AT
INTERPRETASYON NG
TALATA NG KORAN
May ilang tao na umiimbento ng kasinungalingan laban sa mga
Shia na nagsasabing ipinakahulugan nila ang talata ng Koran hindi
ayon sa tunay na kahulugan nito kundi upang suportahan ang
kanilang paniniwala at purihin ang kanilang mga Imams.
ANG KASAGUTAN
Hindi maaaring basta na lang mapabulaanan ang maraming mga
talata ng Koran alinman sa tinutukoy nito ang mer ito ng Imam Ali
lamang o ang ibang miyembro ng pamilya ng Propeta. May
maraming tradisyon sa mga aklat ng Sunni na ipinakahulugan ang
maraming talata bilang pagtukoy ng mga merito ng Imam Ali at
iba pang mga miyembro ng pamilya ng Propeta. Ang may-akda ng
Ihqaqul-Haq ay nakatipon sa tomo 3, 9 at 14 ng dalawang daan at
limampu‟t limang tulad ng gayong talata, at pagkatapos ng bawat 107
talata sinusulatan niya ito sa ibaba ng mga tradisyon ugnay sa mga
aklat ng Sunni na nagpapaliwanag ng talata at mga numero ng
pahina.. 108
Ang Ikalabinlimang Huwad na Pangangatuwiran:
KALABISAN
Ilan sa mga tao ay huwad na pinupuna ang mga Shia dahil sa
pagkakaroon ng labis- labis na pagmamahal sa pamilya ng Propeta
at bawasan nila ang dignidad ng mga Kasamahan dahil mas gusto
nila si Imam Ali at ang pamilya nito higit pa sa lahat ng ibang mga
Kasamahan,
ANG KASAGUTAN
Maraming tradisyon na nabanggit sa mga aklat ng Sunni na
nagpahiwatig na si Imam Ali ay lalong nagustuhan, ng higit pa sa
lahat ng ibang mga Kasamahan. Ang sabi ng Propetang
Muhammad (s): “Kung sinuman ako ang kanyang guwardiyan,
itong si Ali ay kanya ring guwardiyan.”
Nagsalita din siya habang tinutukoy si Imam Ali: “Ikaw para sa
akin ay katulad ni Aaron para kay Moses, maliban sa wala ng
Propeta pagkatapos ko.”109
Ang tradisyon ng „ang ibon‟ ay nagpahiwatig na si Imam Ali ay
ang pinakamamahal ng Allah pagkatapos ng Kanyang Sugo na si
Muhammad (s).
Sinabi ng Propeta (s): “Ako ang lungsod ng kaalaman at si
Ali ang kanyang tarangkahan.”
Inutusan ng Propetang Muhammad (s) ang lahat ng pinto ng
kanyang mga Kasamahan na nakabukas patungong moske na
isarado maliban sa pinto ni Imam Ali.
Ang sabi ng Propeta (s): “si Ali at ako ay ama ng bansang
ito.”
“Ang mga tao ay nagmula sa iba‟t-ibang mga puno ngunit
ako at si Ali ay mula sa iisang puno.”
“Mayroong tatlong makatotoong tao at si Ali bin Abu Talib
ang pinakamagaling sa kanila.”
Marami pang ibang mga hadiths na binanggit hinggil d ito sa
reperensyang mga aklat ng Sunni at Shia.
Itinatag ng Propetang Muhammad (s) ang pagbuklod ng
kapatiran sa pagitan ng kanyang mga Kasamahan at ang sabi niya
kay Ali, “Ikaw ang aking kapatid” ito ay nabanggit sa mga aklat
ng Sunni na isinalaysay nina ibn Abbas , Sa‟id bin al-Musayyab,
ibn Umar, Zayd bin Abu Awfa, Anas bin Malik, Zayd bin Arqam,
Hudhayfa bin al-Yaman, Makhduj bin Zayd, Abu Umama, Jami‟
bin Umayr, Jabir bin Abdullah, Abu Sa‟id, Abdur-Rahman bin
Aweym at Abu Hurayra.
Nabanggit ni Ahmad bin Hanbal sa kanyang aklat na Faza’ilusSahaba isang tradisyon na isinalaysay ni Akrima, na narinig mula
kay ibn Abbas na nagsabi ang Propeta Muhammad (s) ng:
“Walang talata ng Koran na nagsimula sa „O kayong mga 110
nananampalataya,‟ na hindi si Ali ang kanilang (i.e. yaong mga
nananampalataya) pinuno, nangunguna at kanilang
katanyagan. Sinisisi ng Allah ang mga Kasamahan ng Propeta
sa Koran ngunit hindi nababanggit si Ali maliban sa
pagpupuri.."
Gayundin ay nabanggit sa Dhakha’ir ul Uqba pahina 89,
edisyon ng Egypt.
Nabanggit din ito nina at-Tabarani at ibn Abu Hatim sa AsSawa’iq ul-Muhriqa pahina 125; edisyon ng Egypt, at Tarikh ulKhulafa’ (Kasaysayan ng mga Khalifa) pahina 116; edisyon ng
Lahore.
Nabanggit ni Abu Na‟im sa kanyang aklat na Hilyatul-Awliya’
tomo 1 pahina 64; edisyon ng Egypt, ang isang tradisyon na
isinalaysay ni ibn Abbas na ang Propeta Muhammad (s) ay
nagsabi: “Hindi nakapagpahayag ang Allah ng kahit anong
talata na nagsisimula sa „O kayong mga nananampalataya,‟
kundi si Ali ang nangunguna at ang pinuno.”
Binuo ni Ahmad bin Hanbal ang lahat ng mga ito para kay Ali
nang kanyang sabihing, “Wala sa mga Kasamahan ng Propeta
ang may kalinisang budhi na katulad ng kay Ali bin Abu
Talib.”
Ang kasabihang ito ay nabanggit sa maraming mga aklat; alMustadrak, al-Isti’aab, al-Kamil ni ibn ul-Athir, Kifayat ut-Talib,
ar-Riyazun-Nazira, Tahthib ut-Tahthib, Fat-hul-Bari fi Sharh ilBukhari, Tarikh ul-Khulafa’, as-Sira al Halabiyah, ar-RawzulAzhar, Is’aaf ur-Raaghibin at iba pa.
May isang tradisyon, na siyang sinang-ayunan ng mga Sunni na
nagpakita ng preperensya kay Fatima (mapasakanya ang
kapayapaan), anak na babae ng Propeta, na nakahihigit sa lahat.111
Ang sabi ng Propeta: “Si Fatima ang pinuno ng kababaihan
sa Paraiso.”
Ang hadith na ito ay naisalaysay ng ilang mga Kasamahan:
katulad nina Hudhayfa bin al-Yamaan sa Sahih ut-Tirmidhi tomo
13 pahina 197, „Aa‟isha sa Sahih ul-Bukhari tomo 4 pahina 203, at
Umm Salama sa Sahih ut-Tirmidhi tomo 13 pahina 250.
Mayroon ding sinang-ayunang tradisyon ang mga Sunni na
nagpapakita ng preperensya ni Imam Hasan at Imam Husayn.
Ang Propeta (s) ay nagsabi: “Sina Hasan at Husayn ang
pinuno ng nakababatang kalalakihan sa Paraiso.”
Ang hadith na ito ay naisalaysay ng ilang mga Kasaamahan ng
Propeta: tulad ni Abu Sa‟id al-Khudri sa Sahih ut-Tirmidhi tomo
13 pahina 190, Musnad ni Ahmad tomo 3 pahina 3, tulad ni
Hudhayfa sa Sahih ut-Tirmidhi tomo 13 pahina 197, at ni Abdullah
bin Umar sa Sunan ni ibn Maja tomo 1 pahina 56.
Ang Sura (Kabanata) ng Al- Insaan (76) ay ipinahayag hinggil
kay Imam Ali, Fatima, Hasan at Husayn. Sa karagdagan, ang talata
ng Koran tungkol sa kadalisayan: “Tunay na nais ng Allah na
pawiin ang lahat ng kasalanan, O mga Kasambahay ng
Tahanan, at kayo ay ganap na linisin. (33:33),” ay ipinahayag
tungkol sa kanila. Ito ay ipinahayag ng karamihan sa mga
Kasamahan ng Propeta tulad nina Wathila bin al-Asqa‟, Amr bin
Abu Salama, „Aa‟isha, Umm Salama, Sa‟d bin Abu Waqqas, Abu
Sa‟id, Imam Ali, Ja‟far bin Abu Talib, Abu Barza, Sabih, ibn
Abbas, Anas, Abul-Hamra‟, Atiyah, Sahl bin Sa‟d, Abu Hurayra,
Burayda, Abdullah bin Umar, Imran bin al-Husayn, Salama bin alAqua,, Ma‟qil bin Yasaar at Abdullah bin az-Zubeir. Ito ay
nabanggit ni al-Heythami sa kanyang aklat na Majma’uz-Zawa’id
at as-Suyuti sa kanyang aklat na al-Jami’us-Saghir na isinalaysay
ni al-Bazzaz pahina 113 at ni ibn Hajar sa kanyang aklat na asSawa’iq ul-Muhriqa pahina 184 at Miftah un-Naja pahina 9, 112
Yanabi’ul-Mawaddah pahina 187, a l-Fat-hul-Kabir pahina 133,
Arjahul-Matalib pahina 330, as-Sayf ul-Yamani al-Maslul pahina
9. At naisalaysay din ito ni Aamir bin Wathila, na siyang nabanggit
ni al-Hafiz ad-Dulabi sa kanyang aklat na a l-Kuna wa al-Asma’
tomo 1 pahina 76. Ito ay naisalaysay ni Salama bin al-Aqua‟ na
binanggit ni ibnul-Maghazili at ash-Shafi‟i sa kanyang aklat na alManaqib, at nabanggit sa ibang mga aklat tulad ng Arjah ulMatalib pahina 330 at Yanabi’ul-Mawaddah pahina 28.
Naisalaysay din ito ni Imam Ali, na siyang binanggit ni MuhibbudDin at-Tabari sa kanyang aklat na Dhakha’ir ul-Uqba pahina 20
mula kay ibnus-Seri. 113
Ang Ikalabing-anim na Huwad na Pangangatuwiran:
OPINYON NG SHIA TUNGKOL KINA
HAFSA AT „AA‟ISHA
May ilang mga taong huwad na pumupuna sa mga Shia na
isinusumpa ang mga asawa ng Propeta Muhammad (s), lalung- lalo
na sina „Aa‟isha (anak na babae ni Abu Bakr; ang unang khalifah)
at si Hafsa (anak na babae ni Umar; ang pangalawang khalifah), at
binansagan pa nila itong nakikiapid, pinagbawal ng Allah!
ANG KASAGUTAN
Ito ay napakalaking paninirang puri. Kailan ang mga Shia
nagtakda ng pangangalunya kina „Aa‟isha at Hafsa? Ito ay
malinaw na hindi totoo. Sa katunayan, kinondena nila ang kanilang
pagsuway sa Allah at sa Kanyang Sugo at nakatitiyak sila na silang
dalawa ay totoong sumuway sa Allah at binalewala ang utos ng
Allah at ng Kanyang Sugo. Pinatunayan ito ng Banal na Koran.
Nagsabi ang Allah,
Ngayon kung kayong dalawa ay magsisisi sa Allah – at ang
inyong mga kalooban ay nakatuon na roon – iyon ay 114
makabubuti sa inyo. Ngunit kung tutulungan ninyo ang isa‟t
isa laban sa kanya, tunay, ang Allah ang tutulong sa kanya at
si Gabriel at ang mga banal na kabilang sa mga
sumasampalataya, at lahat ng mga anghel bukod doon ay mga
katulong niya. (66:4)
Sinumpa ng Shia si „Aa‟isha dahil pinukaw niya ang
damdamin nina Talha at az-Zubeir upang putulin ang
paggalang kay Imam Ali (a), noong tinipon niya ang grupo ng
mga mapagkunwari (hypocrites), siya ay sumakay sa kamelyo, at
nagtakda kina Talha at az-Zubeir upang labanan si Imam Ali.
Katunayan, sila ay nakipaglaban sa kanya at sila ay di -
makatarungan sa kanya (Imam Ali), 115
Ang Ikalabimpitong Huwad na Pangangatuwiran :
ANG MAPAYAPANG KASUNDUAN SA
PAGITAN NI IMAM HASAN AT MU‟AWIYA
Ilan sa mga tao ay pumupuna sa mga Shia na nagsasabi na si
Imam Hasan ay gumawa ng kapayapaan kay Mu‟awiya (ang unang
khalifah ng Umayyad) at kanyang tinuldukan ang hidwaan sa
pagitan nila, at hindi siya nakinig sa kanyang mga Kasamahan na
ang gusto ay masangkot siya sa paglaban sa pamahalaan. Para sa
kanila ito ang pahiwatig na ang patakaran ng pamilya ng Propeta
sa kanyang mga Kasamahan ay hindi pamamaraan ng paglaban na
katulad ng sinasabi ng mga Shia.
ANG KASAGUTAN
Nang magpasiya si Imam Hasan bin Ali na gumawa ng
kapayapaan kay Mu‟awiya at tapusin na ang pakikipaglaban sa
kanya, ay hindi niya nilabag ang pamamaraan ng kanyang ama (si
Imam Ali). Dahil, sa panahon na iyon ang mga sundalo ni Imam
Hasan ay humina, alitan ay sumabog sa loob ng hanay, at ang
karamihan sa kanila ay tumangging sumunod sa kanya. Karamihan 116
sa mga tao ay nadaig sila ng kanilang katakawan at kumampi kay
Mu‟awiya. Alam ni Imam Hasan (a) na ang pakikipaglaban kay
Mu‟awiya ay hindi magiging kapaki-pakinabang sa kanya at
magiging dahilan lamang ng pagdanak ng dugo ng mga Muslim at
kapariwaraan ng mga tagasunod sa pamilya ng Propeta; dahil
doon, obligado siyang gumawa ng kapayapaan kay Mu‟awiya ng
sa gayon ay mailigtas ang kanilang dugo. Ganunpama n, hindi
kailanman naging sang-ayon si Imam Hasan sa pagiging khalifa ni
Mu‟awiya sa mga Muslim. Ang kanyang dakilang pagkatao ay
hindi kailanman makakatanggap ng gayong klaseng pag-angkin.
Sinumang yaong nakakaalam tungkol sa kalagayan ng kasunduang
pangkapayapaan sa pagitan ni Imam Hasan at Mu‟awiya ay
makatitiyak na si Imam Hasan, ang kanyang ama at kanyang
kapatid (Imam Husayn) ay nasa isip nila na si Mu‟awiya at ang
lahat ng mga Umayyads ay iisang uri at walang pinag-iba kahit
anupaman.117
Ang Ikalabingwalong Huwad na Pangangatuwiran:
PAGSUMPA SA NGALAN NG PROPETA
AT NG MGA IMAMS
Ilan sa mga tao ay huwad na nakakakita ng kamalian sa mga
Shia dahil sa kanilang pagsumpa sa Propetang Muhammad, mga
Imams at sa kanilang inapo gayong ang totoo‟y ang sumumpa sa
kahit ano maliban sa Allah ay nulo at walang bisa.
ANG KASAGUTAN
Walang sinuman ang makapagsasabi –kahit pa sa ating mga
kapatirang Sunni– na ang pagsumpa sa iba maliban sa Allah ay
bawal. Ito ang ilan sa mga bagay na kinagawian na ng mga tao ang
sumumpa sa anupamang mahalaga sa kanila tulad ng kanilang mga
anak at iba pa. Paano ito magiging bawal na kung tutuusin, ito ay
nabanggit ng ilang beses sa loob ng Banal na Koran? Ang sabi ng
Allah:
“Sumumpa ako sa pamamagitan ng Higera at ng oliba, at
bundok sinai. At itong Bayan ng Kaligtasan.” (95:1-3)118
“Sumumpa ako sa pamamagitan ng kaluluwa at ng kaganapan
nito.” (91:7)
Tiyak natin, sa Sharia (Batas) ang legal na panunumpa (hal. Ang
panunumpa sa korte o ang panunumpa sa legal na dokumento) sa
iba maliban sa Allah o sa Kanyang mga katangian ay hindi
matatanggap. Ito ay isang legal na panunumpa at anuman maliban
dito ay isinasaalang-alang lamang ito bilang isang kinaugaliang
pagbibigay-diin sa punto. 119
Ang Ikalabinsiyam na Huwad na Pangangatuwiran:
ANG PANUNTUNAN NG PAGTANGGAP
AT
PAGTANGGI SA MGA HADITH
Ilan sa mga tao ang nagbunsod ng palsong atake laban sa mga
shia na nagsasabi na hindi sila tumatanggap ng mga tradisyon na
isinalaysay sa pamamagitan ng ilan sa mga Kasamahan, hindi nila
tinatanggap ang mga aklat ng tradisyon ng Sunni, tulad ng anim na
punong (Sahih) mga aklat. Sinasabi nila, ang mga Shia ay hindi
umaasa sa tradisyong nabanggit ng mga aklat na iyon, at hindi sila
tumutukoy ng tradisyon mula sa kanila maliban na lang kung gusto
nila itong pabulaanan. Sa halip, umaasa lang sila sa tradisyong
isinalaysay ng pamilya ng Propeta (mapasakanila ang
kapayapaan).
ANG KASAGUTAN
Ang hurisprudensiya ng Shia bilang paggalang sa pagpapatunay
ng pagkatotoo ng isang isinalaysay na impormasyom ay batay sa
mga tanikalang mananalaysay, alinman sa dalawa, ang 120
mapagkakatiwalaan ba sila o hindi, hindi mahalaga kung ang
bumanggit nito ay nasa aklat ng Shia o Sunni. Ang pagkakaroon ng
aklat na tinatawag na Sahih (i.e.Tama/Wasto) ay hindi sapat,
kailangan ang bawat mananalaysay ng tradisyong iyon ay
mapatunayang mapagkakatiwalaan, walang kaso kung siya ba ay
Shiite o Sunni, o alinman sa kung nabanggit ba ito o hindi sa aklat
ng Shiite o Sunni. Ang sabi ng Allah:
“O kayong mga sumasampalataya! Kung ang isang masamang
tao ay maghahatid sa inyo ng anumang balita, siyasatin iyon ng
lubos.” (49:6)
“At huwag sundin iyong wala kayong nalalaman.” (17:36)
Sa kanilang hurisprudensiya, ang mga Shia ay umaasa sa
tradisyon na isinalaysay ng pamilya ng Propeta dahil sila ang may
katungkulan sa bansa pagkatapos ng Propeta Muhammad (s). Ito
ay pinagtibay ng tradisyon ng Propeta sa Thaqalayn, ang dalawang
mabibigat na mga bagay na siyang sinang-ayunan ng lahat ng mga
Muslim.
Nabanggit namin ang tradisyong ito sa aming aklat na (Al-Jami’
li Barahin Usul ul-I’tiqadat). Nabanggit ni at-Tirmidhi ang
tradisyong ito sa kanyang aklat (Sahih) tomo 13 pahina 200, na
isinalaysay ni Zayd bin Arqam at sa ibang tanikala ni Abu Sa‟id na
ang Propeta Muhammad (s) ay nagsabi: “Ako ay mag-iiwan sa
inyo ng dalawang napakabigat na mga bagay. Kung kayo ay
mananatili sa kanila, hindi kayo kailanman maliligaw ng
landas kapag ako ay patay na. Ang isa, ay mas mabigat kaysa
sa isa ay ang Banal na Koran, na siyang lubid na pinalawig sa
pagitan ng langit at lupa, at ang isa ay ang aking pamilya. Sila
ay hindi kailanman maghihiwalay hanggang sa dumating sila
sa akin sa Paraiso. Maging maingat kung papaano ninyo
akong susundin sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila”121
Ang ilan sa mga iskolar ay pinagtibay ang tradisyong ito at ang
dami ng pinagmulan nito. Isa sa kanila ay si ibn Hajar sa kanyang
aklat na may pamagat na As-Sawa’iq. Ang sabi niya: “Ang
tradisyon ng ath-Thaqalayn ay naisalaysay ng labintatlonng
mga Kasamahan. Karamihan sa tanikala ng pagsasalaysay ay
totoo at tama.”
Nabanggit din ito ni al-Hadhrami sa kanyang aklat na may
pamagat na Al-Qawlul-Fasl tomo 1 pahina 49. Ang sabi niya:
“Ang tradisyon ng ath-Thaqalayn ay naisalaysay ng mahigit sa
dalawampung Kasamahan. Ang tanikala ng pagsasalaysay nito
ay totoo at katanggap-tanggap. Ito ay isang mutawatir na
tradisyon na ang ibig sabihin, ang tradisyong ito ay hindi
nagambala ang pagkadugtong-dugtong ng mga
mapagkakatiwalaang manana lay- say. Ang lahat ng iskolar ng
hadith ay nagsabi na ang tradisyong ito ay totoo.”
Ang kasaganaan ng pagsasalaysay ng tradisyong ito ay
nakapagturo upang hinuhain na ito ay sinabi ng Propeta
Muhammad (s) sa apat na pagkakataon. Ang unang pagkakataon
ay sa Araw ng Arafah noong gumawa siya ng talumpati mula sa
itaas ng kanyang kamelyo, na si al-Quswa, ang pangalawa ay sa
Moske ng Kheif, ang pangatlo ay sa Araw ng al-Ghadir noong
pauwi na siya sa kanyang panghuling pag-hajj, at ang pang-apat,
ay sa araw ng kanyang pagkamatay noong nagbigay siya ng
pangaral sa may pulpito.
Andito pa ang ilang mga daan na kung saan nabanggit ang
tradisyong ito na nagmula sa mga aklat ng mga Sunni.
1. Isinalaysay ni al-A‟mash, mula kay Atiyah, na nagmula kay
Abu Sa‟id – (nabanggit ito ni ibn Sa‟d sa kanyang aklat na
Tabaqat) tomo 2 pahina 114.
2. Mula sa ibang pamamatnugot, nina al-A‟mash, Atiyah, Abu
Sa‟id (Manaqib ni al-Maghazili) pahina 235.122
3. Mula sa pangatlong pamamatnugot, nina al-A‟mash, Atiyah,
Abu Sa‟id (Manaqib ni al-Maghazili) pahina 235.
4. Sina ibn Numayr, Abdul-Malik bin Abu Sulayman, Atiyah,
Abu Sa‟id (Manaqib ni Ahmad).
5. Sina Ali bin Musahir, Abdul-Malik bin Abu Sulayman, Atiyah,
Abu Sa‟id (al-Mu’jam ul-Kabir) pahina 137.
6. Sina Harun bin Sa‟d, Atiyah, Abu Sa‟id (al-Mu’jam us-Saghir)
tomo 1 pahina 135.
7. Sina Fuzeil bin Marzuq, Atiyah, Abu Sa‟id (a l-Ma’rifa wa atTarikh) pahina 537.
8. Sina Kutheir an-Nawaa‟, Atiyah, Abu Sa‟id (al-Mu’jam usSaghir) pahina 73
9. Sina Abu Isra‟il, Atiyah, Abu Sa‟id (al-Ma’rifa wa at-Tarikh)
pahina 537.
10. Sina Muhammad bin Muzaffar al-Baghdadi, Abu Sa‟id (Miftah
un-Naja) pahina 51.
11. Si Salman ul-Farsi (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 36.
12. Sina Ja‟far bin Aun, Abu Hayyan, Yazid bin Hayyan, Zayd bin
Arqam (Sunan ni ad-Darimi) tomo 2 pahina 431.
13. Sina Ya‟la bin Ubayd, Abu Hayyan, Yazid bin Hayyan, Zayd
bin Arqam (Sunan ni al-Bayhaqi) tomo 10 pahina 113.
14. Sina Isma‟il bin Ibrahim, Abu Hayyan, Yazid bin Hayyan,
Zayd bin Arqam (Sahih ni Muslim) tomo 7 pahina 122.123
15. Sina Muhammad bin Fuzeil at Jarir, Abu Hayyan, Yazid bin
Hayyan, Zayd bin Arqam (Sahih ni Muslim) tomo 7 pahina
123.
16. Sina Ali bin Musahhir, Abu Hayyan, Yazid bin Hayyan, Zayd
bin Arqam (Manaqib ni Ibnul-Maghazili) pahina 236.
17. Sina Hasaan bin Sa‟id, ibn Masruq, Yazid bin Hayyan, Zayd
bin Arqam (Sahih ni Muslim) tomo 7 pahina 123.
18. Sina al-A‟mash, Yazid bin Hayyan (A l-Mu’jam ul-Kabir) tomo
5 pahina 190.
19. Sina Abu Sa‟id, Habib bin Abu Thabit, Zayd bin Arqam
(Sahih ni At-Tirmidhi) tomo 13 pahina 200.
20. Sina al-A‟mash, Habib bin Abu Thabit, Zayd bin Arqam (AlMu’jam ul-Kabir) tomo 5 pahina 190.
21. Sina al-A‟mash, Abuz Zuha, Zayd bin Arqam (Al-Mu’jam ulKabir) tomo 5 pahina 190.
22. Mula sa ibang pamamatnugot para kay Abuz-Zuha, Zayd bin
Arqam (Al-Mu’jam ul-Kabir) tomo 5 pahina 190.
23. Mula sa pangatlong daan para kay Abuz-Zuha, Zayd bin
Arqam (Al-Mu’jam ul-Kabir) tomo 5 pahina 190.
24. Sina al-Hasan bin Abdullah, Muslim bin Subayh, Zayd bin
Arqam (Al-Mustadrak) tomo 3 pahina 148.
25. Sina Kuheil, Abut-Tufayl, Zayd bin Arqam (Wasilat ul-Ma’al)
pahina 55.
26. Sina Habib bin Abu Thabit, Abut-Tufayl, Zayd bin Arqam (AlMustadrak) tomo 3 pahina 109.124
27. Sina Hakam bin Jubayr, Abut-Tufayl, Zayd bin Arqam (AlMu’jam ul-Kabir) pahina 137.
28. Sina Ali bin Rabi‟a, Zayd bin Arqam, (Al-Ma’rifa wa atTarikh) pahina 536.
29. Sina al-Husayn bin Abdullah, Zayd bin Arqam (Fara’id usSamtein) tomo 2 pahina 142.
30. Si Zayd bin Thabit (Al-Mu’jam ul-Kabir) tomo 5 pahina 171.
31. Mula sa ibang pamamatnugot para kay Zayd bin Thabit (AlMu’jam ul-Kabir) tomo 5 pahina 171.
32. Mula sa pangatlong pamamatnugot para kay Zayd bin Thabit
(Al-Mu’jam ul-Kabir) tomo 5 pahina 171.
33. Mula sa pang-apat na pamamatnugot para kay Zayd bin Thabit
(Al-Mu’jam ul-Kabir) tomo 5 pahina 171.
34. Sina al-Anmati, Ma‟ruf bin Kharbuth, Abu Tufayl, Hudhayfa
bin Usayd (Al-Mu’jam ul-Kabir) pahina 157.
35. Sina Zayd bin al-Hasan, Ma‟ruf bin Kharbuth, Abu Tufeil,
Hudhayfa bin Usayd (Fara’id us-Samtein) tomo 2 pahina 574.
36. Sina Ahmad bin Abdullah bin Salam, Hudhayfa bin al-Yaman
(Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 35.
37. Sina Urwa bin Kharija, Fatimat uz-Zahra‟ (mapasakanya ang
kapayapaan) (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 30.
38. Si Ja‟far bin Muhammad, mula sa kanyang ama, na nagmula
kay Jabir bin Abdullah (Sahih ni At-Tirmidhi) tomo 13 pahina
199.125
39. Sina Abdur-Rahman bin Khallad, Jabir bin Abdullah
(Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 40.
40. Si al-Husayn bin Ali (s) na nagmula kay Imam Ali (s) (Fara’id
us-Samtein)
41. Sina (Aabir) bin Wathila, Imam Ali (Manaqib ni IbnulMaghazili) pahina 117.
42. Si Muhammad bin Umar bin Ali na nagmula sa kanyang ama,
Imam Ali (Kanz ul-Ummal) tomo 1 pahina 340.
43. Si Ubaydullah bin Musa, mula sa kanyang ama, na nagmula sa
kanyang ninuno, na mula kay Imam Ali (wasilat ul-Ma’al)
pahina 57.
44. Sina Asbagh bin Nabata, Imam Ali (Yanabi’ul-Mawaddah)
pahina 39.
45. Sina Sulaym bin Qays, Imam Ali (Yanabi’ul-Mawaddah)
pahina 114.
46. Sina Asbagh bin Nabata, Abu Rafi‟ (Yanabi’ul-Mawaddah)
pahina 39.
47. Si Muhammad bin Abdur-Rahman bin Khallad (Arjah ulMatalib) pahina 341.
48. Si Hudhayfa bin al-Yaman (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 36
49. Si Talha (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 35.
50. Si Abdur-Rahman bin Auf (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 35.
51. Si Sa‟d bin Abu Waqqas (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 35.126
52. Sina ibn A‟atham al-Kufi, Ibn Abbas (As-Safina).
53. Sina Ata‟, Abu Yahya, Ibn Abbas (Yanabi’ul-Mawaddah)
pahina 35.
54. Si Abdullah bin al-Hasan, mula sa kanyang ama, si al-Hasan
bin Ali (s) (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 20.
55. Si Anas, (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 191.
56. Si abu Rafi‟, ang pinalayang alipin ng Propeta Muhammad (s)
(Arjah ul-Matalib) pahina 337.
57. Si Jubayr bin Mut‟im (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 31.
58. Si Abdullah bin Huntub (Ihya’ul-Meyyit) pahina 115.
59. Si Sakhra al-Aslami (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 38.
60. Si Abd bin Hamid (Yanabi’ul-Mawaddah) pahina 38.
61. Si Abu Dharr (Al-Mu’jam ul-Kabir) tomo 5 pahina 538.
62. Si abu Hurayra (Majma’uz-Zawa’id) tomo 9 pahina 163.
63. Si Um Hani (Wasilatul-Ma‟al) pahina 59.
64. Si Umm Salama (Arjah ul-Matalib) pahina 338 at (Yanabi’ulMawaddah) pahina 36
Nararapat lamang na mabanggit ang tradisyon (mag- iiwan ako
ng dalawang napakahalagang mga bagay; ang Banal na Koran at
ang aking Sunna), na inilagay ng mga Sunni upang magsilbing
laban sa tradisyon ng Thaqalayn ay hindi nabanggit alinman sa
kanilang anim na aklat ng Sahih at hindi ito puwedeng isalaysay ng
kahit sinong Kasamahan na salungat sa pamilya ng Propeta, 127
sapagkat ang bansag/moto ng pamilya ng Propeta ay Sunna ng
Propeta, habang ang bansag/moto ng mga Kasamahan na silang
mga sumasalungat ay „Sapat na sa amin ang Banal na Koran‟.
Hinahadlangan nila ang mga tao na sumulat o magsalaysay ng
Sunna ng Propeta sa panahong nangibabaw sina Abu Bakr, Umar
at Uthman. Nililikom nila ang lahat ng mga naisulat at sinusunog
ang mga iyon. Pinaparusahan nila ang mga taong nagsasalaysay ng
tradisyon ng Propeta maliban sa kung ano ang kanilang
naisalaysay.
128
Ang Ikadalawampung Huwad na Pangangatuwiran:
TANGGIHAN ANG ANALOHIYA
AT SARILING PAGHATOL
Ilan sa mga tao ay pinupuna ang mga Shia na nagkamali bunsod
sa pagtanggi nila sa pagka hawig at pagka-iba-iba, at ang mga
kakailanganin sa pagtransmiti ng hurisprudensiya na siyang
inaasahan ng mga Kasamahan at ng kanilang mga tagahalili.
Pinupuna din nila ang mga Shia sa pagsakdal ng mga yaong
gumagamit nitong pamamaraan tulad ng paggamit ng pagkakatulad
na ginawa ng Iblis (ang Demonyo) na nagsabi sa Allah, “Ako ay
nakahihigit sa kanya (Adam). Ako ay nilalang Mo mula sa apoy
samantalang siya ay nilalang Mo mula sa luad.” (7:12)
ANG KASAGUTAN
Ang kahulugan ng Analohiya ay pagpapatunay ng pasiya o hatol
sa larangan ng batas batay sa pagkahawig nito sa ilang mga paraan
tungo sa ibang bagay. Ito ay maliwanag na, ang simpleng
pagkakaroon ng hawig sa pagitan ng dalawang mga bagay ay hindi
nangangailangan na magkaroon sila kaagad ng pare hong pasiya o 129
„verdict‟. May maraming mga paksa sa Sharia (batas ng Islam) na
magkahawig sa ilang pamamaraan o sa iba ngunit magkaiba ang
ginawang pasiya.
Ang kahulugan ng sariling paghatol ay hinggil sa gawain bilang
aprubado o hindi aprubadong gawain at pagkatapos magpalabas ng
nararapat na paghatol o pasiya ayon sa sariling pagpili. Ito ay
maliwanag na inobasyon, dahil ang inobasyon ay kahungkagan
ngunit iniugnay ang isang bagay na aprubado ng Sharia at binigyan
ng pasiya o hatol hango sa sariling pagpili at gawing bahagi ng
Sharia!
Ito ay malinaw na hindi katanggap-tanggap habang alam natin
na walang Sunni, maliban sa Mu‟tazilites, ang gagawa na
ipasailalim ang batas ng Sharia alang-alang sa personal na
kapakanan ng isang tao at sa kanyang personal na dimapakinabangan.
Sadyang totoo, na, tayo – na naniniwala sa katuwiran – ay
partido ng katarungan at nakatali tayo sa tungkuling ito.
Ganunpaman, paano mauunawaan ng sinumang hurista ang mga
kapaki-pakinabang at mga tuntunin sa likod ng akto ng Allah?
Alam ng Allah ang nakabubuti at di- nakabubuti ng walang
hanggang antas, ngunit ang kakulangan sa isipan ng sangkatauhan
ay hindi nila ito maisakatuparan hanggang sa antas na ito.
Samakatuwid, hindi nila matagpuan ng lubos ang mga tuntunin ng
Allah sa pamamagitan lamang ng pagkuha ng konsiderasyon sa
ilang nakabubuti o di- nakabubuti na gawain.
Sa katunayan, kung ang natransmiting teksto ay
nakapagpaliwanag ng panlahatang kadahilanan ng isang tuntunin,
mapapatunayan nito na ang dahilan ay hindi limitado sa kung ano
na lang ang nakalagay sa teksto, ngunit sasakupin pa nito ang iba
pa na may parehong kadahilanan.130
Nahulog sila sa pagka- inobasyon dahil tumalikod sila sa landas
para alamin ang Batas ng Islam na siyang tiniyak ng Propeta (s)
para sa mga Muslim. Ang sabi niya, “Mag-iiwan ako sa inyo ng
dalawang mabibigat na mga bagay; ang Banal na Koran at
aking pamilya. Hindi kayo maliligaw kung kayo ay mananatili
sa kanila.” Ginawa niya ang kanyang pamilya na taga-akay para
sa mga Muslim na katulad ng Banal na Koran at sinabihan sila na
ang kanyang pamilya ay mga lagakan ng kanyang kaalaman sa
Sharia o Batas. Ang sabi niya (s): “Ako ang lungsod ng
kaalaman at si Ali ang tarangkahan.”
Ang sabi ni Imam Ali (a): “Tinuruan ako ng Sugo ng Allah ng
isang libong mga bahagi ng mga kaalaman at sa bawat bahagi,
isang libong mga bahagi (pa) ang mabubuksan.”
Inilagak ni Imam Ali ang kaalaman na ito sa mga impalibleng
Imams at ang bawat isa ay nagmana niyon.131
Ang Ikadalawampu‟t isang Huwad na Pangangatuwiran:
PAGDUGTUNGIN ANG MGA DASAL
Ilang tao ang pumupuna sa Shia dahil sa pagsasama-sama ng
limang mga dasal at inialay ang mga iyon sa tatlong panahon
lamang. Pinagsama nila ang Zuhr at Asr na dasal at ng Maghrib at
„Isha na dasal, samantalang ang Propeta (s) at mga Muslim ay
inialay ang mga ito sa limang tiyak nilang mga oras.
ANG KASAGUTAN
Ayon pa sa opinyon ng nakararaming mga iskolar, naitatag ng
Propeta (s) na pagsama-samahin ang Zuhr at Asr na mga dasal
kahit walang kinatatakutang (digmaan) o paglalakbay. Ang mayakda ng Jami’ul-Usul tomo 6 pahina 459 na tinukoy mula sa Sahih
ni Muslim ay nagsabi, “Inialay ng Propeta (s) ang Zuhr at Asr
sa iisang panahon kahit wala sa katayuan ng takot o habang
naglalakbay.” Dagdag pa niya na si az-Zubeir ay nagsabi,
“Tinanong ko si Sa‟id, „Bakit ginawa ng Propeta (s) ang
ganoon?‟ Sumagot siya, tinanong ko ang tungkol dito kay ibn 132
Abbas at ang sagot niya: Ayaw ng Propeta (s) na magkaroon
ng pahirap sa kanyang ummah (Muslim comm.) .” Sa ibang
pagtukoy, dinagdagan niya, „… kahit walang kinatatakutan at
hindi nagkaroon ng pag-ulan.‟
Mula sa tradisyon ng mga impalibleng Imams na kapag ang
araw ay dumaan na sa katuktukan, ito ay oras na ng dalawang mga
dasal ngunit ito (ang unang dasal) ang mauuna bago iyon (ang
pangalawang dasal). Gayundin, pagdating ng gabi, ito ay oras na
ng dalawang dasal ngunit ito ang mauuna bago iyon.
Pinahintulutan ng Allah ang pagdugtungin ang mga dasal at
ginawa ng Kanyang Sugo na walang ibang hangarin kundi bigyang
ginhawa ang kanyang umma. Bakit kailangang pahirapan ng mga
Muslim ang kanilang mga sarili na gawing obligado ang ibukod
ang mga dasal at kung minsan di-maialay ang Asr at ng „Isha na
dasal na siyang nangyari hindi lamang sa mga karaniwang mga tao
subalit sa ilang mga iskolar din ng Sunni. 133
Ang Ikadalawampu‟t dalawang Huwad na Pangangatuwiran:
PANSAMANTALANG KASAL
Ilan sa mga tao ay palsong namumuna sa mga Shia dahil sa
pagpapahintulot nito sa pansamantalang kasal habang nasa isipan
nila na ang alintuntuning ito ay napawalang-bisa.
ANG KASAGUTAN
Ang Banal na Koran ay nagpahintulot ng pansamantalang kasal,
sinabi ng Allah,
…At sa (asawa) na napakinabangan na tinanggap ninyo sa
kanila, bigyan ninyo sila ng itinakdang dowre. (4:24)
Walang talata ng Koran ang nagpawalang bisa nitong klase ng
pagpapakasal. Maliban pa dito, hindi din ito napatunayan na
pinawalang-bisa ng Propeta (s).
Ang may-akda ng Jami’ul-Usul tomo 12 pahina 135 (tradisyon
blg. 8953) ay tumukoy kay Jabir bin Abdullah mula sa Sahih ng 134
Muslim na nagsabi, “Nakasanayan namin ang pansamantalang
kasal sa (halaga ng) sandakot ng „dates‟ at trigo noong
kapanahunan ng Propeta at kapanahunan ni Abu Bakr
hanggang sa ipinagbawal ito ni Umar dahil sa problema ni
Amr bin Hurayth.”
Naitala din niya ito sa tomo 3 pahina 465 (tradisyon blg. 1406):
“Sa Sahih ng Muslim at sa Sahih ng an-Nassa‟i, may ibang
tradisyon na nagsalaysay na si Abu Dharr ay nagsabi, Ang
dalawang kaginhawaan (mut‟atan) ay hindi nararapat
maliban para sa amin.”
Ang ibig niyang sabihin ay yaong pansamantalang kasal at ang
paghajj.
Nabanggit ni ar-Razi, sa kanyang Tafsir tomo 10 pahina 25:
“Ang pangatlong patunay tungkol sa pagpapahintulot ng
pansamantalang kasal ay batay sa kung ano ang sinabi ni
Umar sa itaas ng minbar (pulpito), „Dalawang mga
kaginhawaan ang pinapahintulutan sa panahon ng Propeta
ngunit ipinagbawal ko na ito ngayon; ang kaginhawaan ng
pag-hajj at ng pansamantalang kasal.”
Ito ang pagpapatibay na ang pansamantalang kasal ay
pinapahintulutan sa panahon ng Propeta(s). Ang sabi ni Umar,
„ipinagbawal ko na iyon‟ nagpahiwatig na hindi ang Propeta (s)
ang nagpawalang-bisa niyon kundi si Umar. Kaya napatunayan, at
maari nating sabihin na ito ang katibayan ng katotohanan na ang
pansamantalang kasal ay pinapahintulutan noong panahon ng
Propeta at hindi niya (s) ito pinawalang-bisa, ngunit si Umar ang
gumawa nito. Samakatuwid, ang pagpawalang-bisa ni Umar ay
walang saysay. Ito ang ebidensiya na kung saan binanggit ni Imran
bin Husayn nang sinabi niyang, “Ipinahayag ng Allah sa talata
ng Koran ang tungkol sa panasamantalang kasal at hindi Niya
ito pinawalang-bisa sa pamamagitan ng ibang talata. Inutusan135
kami ng Propeta (s) na gawin itong pansamantalang kasal at
hindi niya ito ipinagbawal. Ngunit may isang taong nagbigay
ng kanyang opinyon ayon sa gusto niya – ibig niyang sabihin
na si Umar ang nagbawal nito – ”
Ito ang ilan sa pamamaraan ng pagpapatunay sa legalidad ng
pansamantalang kasal. 136
Ang Ikadalawampu‟t tatlong
huwad na Pangangatuwiran:
ANG PINAGMULAN NG SHIISM
Ilan sa mga tao ay umimbento ng kasinungalingan laban sa Shia
na nagsasabi na ang Shiism ay isang bagong doktrina at ito ay
nagmula sa pamamagitan ng impluwensiya ng Magi ng Persia at
ng mga Hudyo.
ANG KASAGUTAN
Alinman sa dalawa, ang pagsunod kay Imam Ali o ang Shiism
ay isang bagay na hindi bago. Sa nabanggit na mga tradisyon ng
Propeta sa mga aklat ng ating mga kapatid na Sunni, ang mga
tagasunod ni Imam Ali ay tinatawag na Shia ni Ali.
Nabanggit namin ang sapat na mga tradisyon sa aming aklat na
Mawsu’atul-Mahaasin wa al-Masaawi’ Fil-Islam – Ensiklopedya
ng mga Merito (kagalingan) at kasalanan sa Islam.137
Ang sabi ni ibn Hajar sa kanyang aklat na a s-Sawa’iq ulMuhriqa pahina 96 – edisyon ng Egypt – na nabanggit ni adDaylami na nagsasabing, ang Propeta (s) ay nagsabi,
“O Ali, pinatawad ka ng Allah, ang iyong mga inapo, ang
iyong mga asawa at iyong mga Shia (mga tagasunod). Maging
masaya…”
Magkatulad na hadith ay nabanggit ni ibnul-Maghazili sa
kanyang aklat na a l-Manaqib, al-Hamawini sa Fara’id usSamtayn, al-Manaawi sa Kunuz ul-Haqaayiq pahina 202, alQanduzi sa Yanabi’ ul Mawaddah pahina 270, Abu Bakr bin
Shihab sa Rashfat us-Sadi pahina 81, - edisyon ng Egypt – at iba
pa.
Dagdag pa diyan, naitala ni ad-Daylami na ang Propeta (s) ay
nagsabi,
“O Ali, ikaw at ang iyong mga Shia ay pupunta sa akin sa
may Lawa ng Paraiso na tighaw at may maaliwalas na mga
mukha, habang ang iyong mga kalaban ay pupunta sa akin na
uhaw na uhaw at ang leeg ay nakatulak palabas.”
Itong mismong tradisyon ay nabanggit ni al-Manaawi sa Kunuz
ul-Haqaayiq pahina 203, – edisyon ng Bolaq –, ni al-Qanduzi alHanafi sa Yanaabi’ ul Mawaddah pahina 182, – edisyon ng Egypt
–, at Muhammad Saalih at-Tirmidhi sa a l-Manaaqib ulMurtazawiyya pahina 101, – edisyon ng Bombay –.
Nabanggit ni ad-Daylami sa kanyang aklat na Firdous ul-Akhbar
na nagsabi si Umm Salama (asawa ng Propeta) na ang Propeta ay
nagsabi:
“Si Ali at ang kanyang mga Shia – tagasunod – ang mga
nagwagi sa Araw ng Muling-pagkabuhay.”138
Magkatulad na hadith ay nabanggit din ni al-Manaawi sa Kunuz
ul-Haqa’iq pahina 98, at al-Qanduzi sa Yanaabi’ul Mawaddah
pahina 188 at 237, – edisyon ng Istanbul –.
Nabanggit ni sabt bin al-Jawzi sa kanyang aklat na Tadhkirat
ul-Khawaas pahina 59, isang tradisyon ang isinalaysay ni Abu
Sa‟id al-Khudri na pinagmasdan ng Propeta (s) si Ali bin Abu
Talib at ang sabi:
“Ang Taong ito at ang kanyang Shia ang mga nagwagi sa
Araw ng Muling-Pagkabuhay.”
Nabanggit ni al-Khatib al-Khawarizmi sa a l-Manaaqib pahina
178 na ang Pinuno ng mga Mananalaysay, na si Abu Mansur
Shahrdar bin Shirwayh bin Shahrdar ay sinabihan siya sa sulat na
galing kay Hamadan na si Abul-Fat‟h Abdus bin Abdullah bin
Abdus al-Hamadani ay sinabihan siya na si Sharif Abu Talib alMufazzal bin Muhammad bin Tahir al-Ja‟fari (nawa‟y kaluguran
siya ng Allah) sa kanyang bahay sa Isfahan, si S ikkatul-Khawr na
si Sheikh Abu Bakr Ahmad bin Musa bin Mardwayh bin Fawrak
a l-Isfahani ay sinabihan siya na si Ahmad bin Muhammad bin asSariy ay sinabihan siya na si al-Munthir bin Muhammad bin alMunthir ay sinabihan siya na ang kanyang ama ay sinabihan siya
na ang kanyang tiyuhin na si al-Husayn bin Sa‟d ay sinabihan siya
na ang kanyang ama ay sinabihan siya na si Isma‟il bin Ziyad alBazzaz ay sinabihan siya na si Ibrahim bin Muhajir ay sinabihan
siya na si Yazid bin Shurahil al-Ansari, eskribyente ni Imam Ali,
ay sinabihan siya na narinig niya si Imam Ali (a) na nagsabi,
Sinabihan ako ng Propeta (s) habang siya ay nakasandal sa aking
dibdib, O Ali, narinig mo ang Sinabi ng Allah: Tunay nga, iyong
mga sumasampalataya at gumagawa ng mabuti – sila ang
pinakamabuting mga nilalang. (98:7)
“Kayo ang mga iyon at ang iyong Shia. Ang tagpuan ko at
kayo (tagpuan natin) ay sa may Lawa kung kailan magtitipon 139
na ang mga bansa para sa Paghuhukom at ikaw (at iyong mga
shia) ay pupunta na may dangal at nagliliwanag.”
Ang tradisyong ito ay nabanggit din ni as-Suyuti sa kanyang adDurr ul-Manthur tomo 6 pahina 379 – edisyon ng Egypt –.
Nabanggit ni al-Khatib ul-Baghdadi sa kanyang aklat na
Muwazzih Awham uj-Jam’ wa at-Tafriq tomo 1 pahina 43;
Heidarabad, na si Abul-Hasan Muhammad bin Abdul-Wahid bin
Muhammad bin Ja‟far ay sinabihan siya na si Ali bin Umar adDarqutni ay sinabihan sila na si Abul-Hasan Ali bin Muhammad
bin Ubayd ay sinabihan sila na si Ahmad bin Hazim ay sinabihan
sila na si Sahl bin Aamir ay sinabihan sila na si Fuzeil bin Marzuq
ay nakarinig mula kay Abul Jihaf, mula kay Muhammad bin Amr
bin al-Hasan, na mula kay Zaynab, na nagmula kay Fatima anak na
babae ng Propeta (as)na nagsabi ang Propeta kay Ali,
“O Abul-Hasan (Ali), ikaw at ang iyong mga Shia ay
mapupunta sa Paraiso.”
Nabanggit ni al-Haythami sa kanyang aklat na Majma’uzZawa’id tomo 10 pahina 21 – edisyon ng Egypt –, na si Umm
Salama ay nagsabi: “Noong nasa bahay ko ang Propeta (s) isang
gabi, umupo sa tabi niya si Fatima at Ali. Iniangat niya ang
kanyang ulo patungo sa kanila, “O Ali, maging masaya. Ikaw
at ang iyong mga shia ay mapupunta sa Paraiso.””
Nabanggit din niya, sa tomo 9 pahina 173, ang isang tradisyon
na isinalaysay ni Abu Hurayra na ang Propeta (s) ay nagsabi kay
Ali, „Ikaw at ang iyong mga Shia ay kasama ko sa Paraiso,‟
Ang kahalintulad na hadith ay nabanggit ni al-Khatib alBaghdadi sa kanyang aklat na The History of Baghdad tomo 12
pahina 289 – edisyon ng Egypt –,140
Nabanggit ni Ibnul-Maghazili ash-Shafie, sa al-Manaqib
pahina 293 tradisyon bilang 335, na si huwes Abu Ja‟far
Muhammad bin Isma‟il al-Alawi ay sinabihan sila na si Abu
Muhammad bin Abdullah bin Muhammad bin Ithman al-Muzani,
siya ding tinatawag na ibnus-saqqa ay sinabihan sila na si Abu
Abdullah Ahmad bin Ali al-Razi ay sinabihan sila na si Ali bin alHasan bin Ubayd ar-Razi ay sinabihan sila na si Isma‟il bin Ibban
a l-Azdi ay sinabihan sila na narinig niya ang tradisyon na
isinalaysay ni Amr bin Hurayth, na galing kay Dawud bin Sulayk,
na nagmula kay Anas bin Malik na ang Propeta(s) ay nagsabi,
“Pitumpung libo mula sa aking ummah ang papasok ng
Paraiso na wala kahit anumang katanungan.” Saka niya
tinignan si Ali at ang sabi: “Sila ay mula sa iyong Shia at ikaw ang
kanilang Imam.”
Ang hadith na ito ay nabanggit ni al-Khawarizmi sa kanyang
aklat na a l-Manaqib pahina 229, ibn Hasnawayh al-Musily sa Durr
Bahr il-Manaqib pahina 119, at al-Qanduzi sa Yanabi‟ul
Mawaddah pahina 124.
Bukod pa diyan, ang mga tradisyong ito ay mga katotohanan ng
kasaysayan na pinagtibay ng mga aklat ng Sunni at ng kasaysayan.
Ipinamalas nila na ang Shiism ay nagsimula pagkatapos na
mamatay ang Propeta na kung kailan sinamantala ng ilang katao
ang sitwasyon noong abala si Imam Ali at ang pamilya ng Propeta
sa paghahanda ng paglibing sa Propeta. Sa kabila ng katotohanan
na itinagubilin na ng Propeta na si Ali ang kanyang magiging
kahalili at nagbigay na sila ng parangal kay Imam Ali sa Ghadir
Khum, napagkasunduan pa rin nilang ibigay kay Abu Bakr ang
kanilang katapatan bilang kinatawan pagkatapos ng Propeta (s). Ito
ang nag- udyok kay Imam Ali at sa kanyang tagasunod na tumutol
at itanggi ang pagbibigay parangal kay Abu Bakr. Dito nanguna si
Umar upang lusubin ang bahay ni Fatima, ang anak na babae ng
Propeta, at sunugin ito. May ibang sakuna pa ang nangyari
pagkatapos niyon. Magmula noon, ang mga tao ay umalalay kay
Imam Ali (a) ang siyang nabansagang Shia (tagasunod) ni Ali at
ang kanilang doktrina ay nakilala bilang Shiism. Walang Hudyo o
Magi na nasa loob nila. Ang mga namumuno na nasa
kapangyarihan ay pinag- uusig nila samantalang ang mga Hudyo at
kristiyano ang siyang nagugustuhan ng estados o pamahalaan.
Pinapahintulutan nila si Ka‟bul-Ahbar (dating isang Hudyo) at ang
mga katulad niya ang umupo sa Moske ng Propeta at makipagusap
sa mga Muslim tungkol sa isipan ng mga Hudyo. Ang
namumuno na nasa kapangyarihan ay pinapahintulutan nila ang
mga palakuwento na maupo sa moske at magkukuwento tungkol sa
Hudyo, Kristiyano, at mga kuwentong wala pa ang Islam, at
pinupukaw nila ang mga makata na magbasa ng tula tungkol sa
pag- ibig, alak, pagpupuri at paglalantad ng bisyo. At sa
magkaparehong panahon, ang mga namumuno na nasa
kapangyarihan ay hinahadlangan ang mga pamilya ng Propeta at
iba pa na bigyang publisidad ang tradisyon ng Propeta, magbibigay
ng palusot na baka ito ay maghalo kasama ng mga talata ng Koran!
Ang panghuli, wala sa atin ang paghatol kundi sa Allah.