Sa ngalan ni Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain
Oh Allah pagpalain mo sa amin si Muhammad at ang kanyang Familya
Salam
يَا نِسَاءَ النَّبِيِّ لَسْتُنَّ كَأَحَدٍ مِنَ النِّسَاءِ إِنِ اتَّقَيْتُنَّ فَلَا تَخْضَعْنَ بِالْقَوْلِ فَيَطْمَعَ الَّذِي فِي قَلْبِهِ مَرَضٌ وَقُلْنَ قَوْلًا مَعْرُوفًا (32) وَقَرْنَ فِي بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجْنَ تَبَرُّجَ الْجَاهِلِيَّةِ الْأُولَى وَأَقِمْنَ الصَّلَاةَ وَآتِينَ الزَّكَاةَ وَأَطِعْنَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ إِنَّمَا يُرِيدُ اللَّهُ لِيُذْهِبَ عَنْكُمُ الرِّجْسَ أَهْلَ الْبَيْتِ وَيُطَهِّرَكُمْ تَطْهِيرًا (33) وَاذْكُرْنَ مَا يُتْلَى فِي بُيُوتِكُنَّ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ وَالْحِكْمَةِ إِنَّ اللَّهَ كَانَ لَطِيفًا خَبِيرًا (34)
Yusufali 33:32] O Consorts of the Prophet! Ye are not like any of the (other) women: if ye do fear (Allah), be not too complacent of speech, lest one in whose heart is a disease should be moved with desire: but speak ye a speech (that is) just.
[Yusufali 33:33] And stay quietly in your houses, and make not a dazzling display, like that of the former Times of Ignorance; and establish regular Prayer, and give regular Charity; and obey Allah and His Messenger. And Allah only wishes to remove all abomination from you, ye members of the Family, and to make you pure and spotless.
[Yusufali 33:34] And recite what is rehearsed to you in your homes, of the Signs of Allah and His Wisdom: for Allah understands the finest mysteries and is well-acquainted (with them)
(Oy! Mga asawa ng Nabi s.a.w. : hindi ninyo kapariho ang karaniwang mga babae kung kayo ay mag-iingat (matatakot sa Allah), kaya huwag ninyong idinadaan sa paglalambing ang inyong pananalita baka magkaroon ng pag-aasam/pagnanasa ang taong (lalaking) naglalaman ang kanyang puso ng karamdaman, at kayo ay magsalita ng mabuti (matuwid) 32, at kayo ay manatili sa inyong mga bahay at huwag kayong naglalantad ng paglalantad ng sinaunang kamangmangan at isagawa ang Sambayang at ibigay ang Zakah at sundin ang Allah at ang kanyang Rasul s.a.w., ang nais lamang ng Allah ay tanggalin sa inyong Ahlul Bait ang dungis ng buong pagtatangal 33, at inyong banggitin ang binabasa sa inyong mga bahay na mga ayat ng Allah at ang Hikmah, katotohanan ang Allah ay napakalambing at maalam.)”
Ang Pamilya ng Propeta Muhammad (saw) ang siyang Dinalisay ni Allah (swt) ay Nabibilang sa Kanyang mga bahay.
Hindi ito maaaring ipagtangi ng lahat na tayo ay may alam sa kahulogan ng pamilya. Ito ay binubuo ng mga magulang at mga anak. Si Propeta Muhammad (saw) sa kanyang panahon ay nagkaruon siya ng 13th na mga asawa at 7th mga anak.
Dito sa mga taludtod ng Banal na Qur’an, 33:32-34 ang siyang ating pinagtatalunan ay ating makikita ang mga asawa ng Propeta saw na sila ay nabibilang sa luob ng mga bahay, at ang mga bahay na ito ay mga bahay ng Propeta Muhammad saw, at sila ay mga miyembro ng mga bahay ng Rasul saw. Dahil diyan, iniisip ninyo ang lahat ng mga asawa ng Rasul ay nabibilang din sa miyembro ng Ahlulbayth as.
Ngunit, hindi lamang ninyo nalalaman sa gitna ng bersekulong 33:32-34 ay mayroong “ONLY” ,subalit ito’y hindi ninyo nalalaman dahil ang inyo lamang nakikita ay pag ang pangugusap nito ay magkadugtong dugtong considered na ang mga iyon sa isang meaning lamang .
Yan ang hindi mabuti. Kung ganoon, lahat naba ng mga taong nasa bahay ng iyong kaibigan ang silang iyong matagpuan o makikita ay familya ng iyong kaibigan? Lahat naba ng mga nandiyan ay hindi magakakaiba ng pag-uugali? O dikaya lahat naba ng hayop ay mga kambing? Kaya nga may salitang “ONLY” sa gitna ng 33:32-34 dahil hindi lahat ng mga bahay ng mga asawa Niya ay purified by Allah swt. Kasi kung ganon, bakit hindi ito naging “Ahlulbuyot (the plural of house)” samantala ang Propeta ay mayroon naman siyang maraming bahay? at bakit sa nasabing Ahlulbayth sa mga ayah ng Qur’an ay naging ganon ang salita nito?
Samakatuwid, napakalinaw ng mga pangungusap na iyan ay madali mong maintindihan. Kung hindi mo man ito maiintindihan, bulag kana talaga sa katotohanan ng tamang landas para sa kaligayahan ng kabilang buhay.
No comments:
Post a Comment