Sunday, November 13, 2011

At sama-sama kayong humawak ng taimtim sa Lubid ng Allah, at huwag kayong maghiwa-hiwalay (Qur'an 3:103)


Bakit Shi’ah?


Ang katawagang “Shi’ah” ay isang pang-uring ginagamit ng mga Muslim na sumusunod sa mga Imam mula sa Pamilya ng Propeta (Ahl al-Bayt). Ginagamit nila ito hindi sa dahilang sektaryanismo o di kaya ay pagdulot ng hidwaan sa pagitan ng mga Muslim. Ginagamit nila ito sa dahilang ang Qur’an ay gumagamit nito, the Propeta Muhammad (s) ay gumagamit nito, at ang mga naunang Muslim ay gumamit nito – noong ang mga salitang tulad ng Sunni o Salafi ay hindi pa umiiral.

Shiah sa Qur’an

Ang salitang “Shi’ah” ay nangangahulugang “mga tagasunod; mga kasapi ng isang partido”. Nabanggit ng Allah sa Qur’an na ilan sa Kanyang mga tapat na alipin ay Shi’ah ng Kanyang ibang mga tapat na alipin.

At si Abraham ay tiyak na kabilang sa mga Shi’ah niya (ni Noah)
(Qur'an 37:83)

At siya (si Moises) ay tumungo sa lungsod sa panahong ang mga tao (ng lungsod) ay hindi nakamasid, kaya nakatagpo siya roon ng dalawang taong nag-aaway, ang isa ay kanyang Shi’ah at ang ikalawa ay kanyang kaaway, at ang kanyang Shi’ah ay humingi sa kanya ng tulong laban sa kanyang kaaway
(Qur'an 28:15)

Samakatwid, Shi’ah ay isang salitang opisyal na ginamit ng Qur’an para Kanyang mga Propetang may mataas ng kalagayan at maging sa kanilang mga tagasunod.

Kaya kung ang tao ay isang Shi’ah (tagasunod) ng mga aliping lubos na tapat, walang masama sa pagiging Shi’ah. Sa kabilang dako, kung ang tao ay magiging Shi’ah ng isang taong mang-aapi o masama, makakamit niya ang tadhana ng kanyang pinuno. Ang Qur’an ay nagpapahiwatig na sa Araw ng Paghuhukom ang mga tao ay pangkat-pangkat na darating, at ang bawat pangkat ay may pinuno sa kanilang harapan. Sinasabi ng Allah:

(Alalahanin ninyo) ang araw kung kailan tatawagin Namin ang bawat pangkat mga tao kasama ng kanilang Imam
(Qur'an 17:71)

Sa Araw ng Paghuhukom, ang kahihinatnan ng “mga tagasunod” ng bawat pangkat ay nakasalalay sa kahihinatnan ng kanilang Imam (kung sila ay talagang sumunod sa naturang Imam). Binanggit ng Allah sa Qur’an na may dalawang uri ng mga Imam:

At ginawa naming Silang mga Imam na umaanyaya tungo sa apoy, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay  sila’y hindi matutulungan. At lumikha Kami ng sumpang susunod sa kanila ditto sa mundo, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay sila’y mabibilang sa mga mukhang kasuklam-suklam
(Qur'an 28:41-42)

Pinapaalalahanan din ng Qur’an na may mga Imam na hinirang nga Allah bilang mga Patnubay para sa Sangkatauhan:

At ginawa Namin silang mga Imam upang pumatnubay sa pamamagitan ng Aming Kautusan nang sila’y  mapagtiyaga, at sila’y tiyak hinggil sa Aming mga kumunikasyon
(Qur'an 32:24)

Tiyak na ang mga tunay na alagad (Shi’ah) ng naturang mga Imam ang talagang mga taong matagumpay sa Araw ng Muling Pagkabuhay.

Shi’ah sa Hadith

Sa kasaysayan ng Islam, “Shi’ah” ay sadyang ginagamit para sa mga alagad ng Imam ‘Ali (a). Ang pariralang ito’y hindi kamakailang kinatha! Ang unang taong gumamit ng katawagang ito’y ang mismo Sugo ng Allah (s). Nang ang sumusunod na bersikulo ng Qur’an ay ipinahayag:

(Hinggil) sa kanilang mga naniniwala at may mabuting gawa, tiyak na sila ang pinakamabuting nilalang
(Qur'an 98:7)

Sinabi ng Propeta kay ‘Ali: “Tungkol ito sa iyo at iyong Shi’ah.” 

Sinabi pa niya: “Sumusumpa ako sa Kanyang may kapangyarihan sa aking buhay na ang lalaking ito (‘Ali) at ang kanyang Shi’ah ay makakamit ng kaligtasan sa Araw ng Muling Pagkabuhay.”
q  Jalal al-Din al-Suyuti, Tafsir al-Durr al-Manthur, (Cairo) tomo 6, p. 379
q  Ibn Jarir al-Tabari, Tafsir Jami' al-Bayan, (Cairo) tomo 33, p. 146
q  Ibn Asakir, Ta'rikh Dimashq, tomo 42, p. 333, p. 371
q  Ibn Hajar al-Haythami, al-Sawa'iq al-Muhriqah, kabanata 11, seksiyon 1, pp 246-247

Sinabi ng Propeta (s): “O Ali! (Sa Araw ng Paghuhukom) ikaw at ang iyong Shi’ah ay darating tungo sa Allah na lubos na nagagalak at ikinagagalak, at darating tungo sa Kanya ang iyong mga kaaway na galit at  matigas ang mga leeg (ang kanilang mga ulo’y hindi makakagalaw).
q  Ibn al-'Athir, al-Nihaya fi gharib al-hadith, (Beirut, 1399), tomo 4 p. 106
q  al-Tabarani, Mu'jam al-Kabir, tomo 1 p 319
q  al-Haythami, Majma' al-Zawa'id, tomo 9, numero 14168

Sinabi ng Propeta (s): “Masayang balita O ‘Ali! Tiyak na ikaw at ang iyong Shi’ah ay maparaiso.”
q  Ahmad Ibn Hanbal, Fadha'il al-Sahaba, (Beirut) tomo 2, p. 655
q  Abu Nu'aym al-Isbahani, Hilyatul Awliya, tomo 4, p. 329 
q  al-Khatib al-Baghdadi , Tarikh Baghdad, (Beirut) tomo 12, p. 289
q  al-Tabarani, Mu'jam al-Kabir, tomo 1, p. 319
q  al-Haythami, Majma' al-Zawa'id, tomo 10, pp. 21-22
q  Ibn 'Asakir, Ta'rikh Dimashq, tomo 42, pp. 331-332
Ibn Hajar al-Haythami, al-Sawa'iq al-Muhriqah, kabanata 11, seksiyon 1, p. 247

Ngunit paano makayang gamitin ng Propeta (s) ang gayong dibisibong katawagan?

Si Propeta Abraham (s) ba ay mapangkatin? Sina Propeta Noah at Propeta Moises (s) ? Kung ang Shi’ah man ay isang dibisibo o mapangkating katawagan, ang Allah ay hindi gagamit nito for sa Kanyang mga Propetang may mataas na kalagayan at ang Propeta ay hindi pupuri sa kanila.

Nararapat na mabigyang diin na ang Propeta (s) ay magpakailan mang hindi nagnais ng hidwaan sa pagitan ng mga Muslim. Inatasan niya ang lahat ng mga taong sumunod sa Imam ‘Ali bilang kanyang kinatawan habang siya’y buhay, at bilang kanyang Kahalili at Kalipa pagyaon niya. Sa kasamaang-palad, kaunti lamang ang mga nakinig sa mithi ng Propeta at kinikilalang “Shi’ah ni ‘Ali”. Sila’y pinaranas ng iba’t ibang uri ng pang-aapi at pagmamalupit., at naghirap mula ng araw na ang Habag sa Sangkatauhan, ang Propeta Muhammad (s), ay sumakabilang buhay. Kung ang lahat lang ng mga Muslim ay tumalima sa mithiin ng Propeta, wala sanang umiiral na  anumang grupo o pangkat sa Islam. Sa isang hadith, sinabi ng Propeta:
“Di magtatagal sa aking paglipas alitan at poot ay lilitaw mula sa inyo, kung ang kalagayang iyan ay mangyari, lumisan at hanapin ninyo si ‘Ali dahil maibukod niya ang Katotohanan sa kabulaanan.”
q  Ali Muttaqi al-Hindi, Kanz al-'Ummal, (Multan) tomo 2 p. 612, numero 32964

Hinggil sa bersikulo ng Qur’an na unang sinipi, isinalaysay ng ilan sa mga pantas na Sunni mula sa Imam Ja’far al-Sadiq (s), the ika-6 na Shiah Imam mula sa Pamilya ng Propeta (Ahl al-Bayt), na:
“Kami ang Lubid ng Allah, tungkol dito sinabi ng Allah: At sama-sama kayong humawak ng taimtim sa Lubid ng Allah, at huwag kayong maghiwa-hiwalay
q  al-Tha'labi, Tafsir al-Kabir, sa komentaryo ng bersikulo 3:103
q  Ibn Hajar al-Haythami, al-Sawa'iq al-Muhriqah, kabanata 11, seksiyon 1, p. 233

Dahil dito, kung binabatikos man ng Allah ang sektaryanismo, binabatikos Niya ang mga humiwalay sa Kanyang Lubid, at hindi yaong mga taimtim na humahawak nito!

Konklusyon:

Naipakita natin na ang katawagang Shi’ah ay ginamit sa Qur’an para sa mga alagad ng mga aliping magigiting ng Allah, at sa mga tradisyon ng  Propeta, para sa mga alagad ng Imam ‘Ali. Sinumang sumusunod sa yaong Patnubay na  hinirang ng Panginoon ay ligtas mula sa mga tunggalian sa relihiyon at nakadakma sa Lubid na Matibay ng Allah, at napasakanya ang maligayang balita ng Paraiso.

Para sa karagdagang kaalaman sa autentikong Islam,  dumalaw sa:

http://al-islam.org/faq/



At sama-sama kayong humawak ng taimtim sa Lubid ng Allah, at huwag kayong maghiwa-hiwalay (Qur'an 3:103)

Bakit Shi’ah? Ang katawagang “Shi’ah” ay isang pang-uring ginagamit ng mga Muslim na sumusunod sa mga Imam mula sa Pamilya ng Propeta ( A...