Ang Unang Talata: Nagsabi ang Allah:
O Sugo! Paratingin sa mga tao ang ipinahayag sa iyo mula sa
iyong Panginoon; at kung iyon ay hindi mo gagawin, hindi mo
ipinahatid ang Kanyang Mensahe. At ikaw ay pangangalagaan
ng Allah sa mga nilalang. Tunay, hindi pinapatnubayan ng
Allah ang mga di-sumasampalataya. (5:67)
Bumaba ang talata ng Koran na ito upang ipahayag ang pagiging
tagapag-alaga ni Imam Ali. Ang katotohanang ito ay nabanggit sa
mga aklat ng mga Sunni. Tinukoy ito ng may-akda ng Al-Ghadir
sa tomo 1 pahina 214 – 223 mula sa tatlumpu ng kanilang mga
aklat.
Ang Ikalawang Talata: Nagsabi ang Allah:
Sa araw na ito nalubos Ko ang inyong pananampalataya para
sa inyo at nahusto ang Aking pagpapala sa inyo at pinili ang
Islam na relihiyon ninyo. (5:3)
Si al-Amini, sa kanyang aklat na Al-Ghadir, tomo 1 pahina 230,
ay binanggit ang pagsasalaysay na siyang nagpapatunay na itong
talata ay hinggil sa makalangit na pagka-pinuno ni Imam Ali mula
sa labing-anim na aklat ng mga Sunni.
Ang Ikatatlong Talata: Nagsabi ang Allah:
Isang nag-uusisa ang nagtatanong tungkol sa Parusa na
malapit ng ipataw. Ang mga di sumasampalataya, at walang sino
mang makahahadlang. Iyon ay nagmula kay Allah, Panginoon
ng mga dakilang pag-akyat. (70:1–3)
Ibinaba ang talata na ito dahil may isang tao, nang marinig
niyang magsalita ang Propeta ng, “Sa sinuman na ako ang kanyang 73
tagapag-alaga, andito si Ali na kanyang magiging tagapag-alaga
din,” – nagsalita, „O Allah, kung ang sinabi ni Muhammad ay
totoo, hayaan ang langit na padalhan kami ng bato.‟
Saglit lang pagkatapos noon nagpadala ang Allah ng bato
pababa sa kanyang ulo at napatay siya. Pagkatapos inihayag ng
Allah ang talatang ito sa Propeta Muhammad (s).
Tinukoy iyon ni al-Amini sa kanyang aklat na A l-Ghadir, tomo
1 pahina 239-246 mula sa tatlumpung mga aklat ng Sunni.
ANG MGA KASAMAHAN AY NAGBIGAY
PARANGAL KAY IMAM ALI AT BINATI SIYA
Ang sabi ni at-Tabari:
“Pagkatapos ay nag-umpisang magsalita ang mga tao, „oo,
narinig namin at sinunod namin ang utos ng Allah at ng Kanyang
Sugo bukal sa aming puso.‟ Ang una sa mga nandoon upang
makipagkamay para bumati sa Propeta Muhammad (s) at kay
Imam Ali ay sina Abu Bakr, Umar, Uthman, Talha, az-Zubeir,
mangilan sa mga Muhajirs (dayuhan), mga Ansar (tagatulong) at
ang mamamayan. Patuloy ang ganitong tagpo hanggang sa
pinangunahan sila ng Propeta (s) sa kongregasyon sa katanghaliang
dasal at sa panghapong dasal na pinag- isa. Patuloy pa rin ang
tagpong ito hanggang sa pinangunahan na naman sila ng Propeta
(s) sa takipsilim na dasal at panggabing dasal na rin ay pinag- isa.
Kaya dalang-dala pa rin nila ang pagbigay parangal at pagkamay
hanggang sa loob ng tatlong araw.”
Ang may-akda ng Al-Ghadir ay nagtukoy sa tomo 1 pahina 272,
ang balita ng pagbati ni Umar bin al-Khattab kay Imam Ali ay
mula sa animnapung aklat ng Sunni.74
ANG LINGGUWISTIKANG KAHULUGAN NG
MAWLA
Ang Arabikong katagang (Mawla) ang kahulugan ay dadalhin
ang kapanagutan ng anumang bagay at gampanan ito. Ang mayakda ng As-Sihah ay nagsabi;
“Ang tagapamahala ay mawla i.e. dinadala niya ang
kapanagutan ng bansa. Ang tao ay mawla i.e. kukunin niya ang
kapanagutan ng anumang bagay, tulad halimbawa, ng pagbili.
Puwedeng sabihin ang taong iyon ay mawla i.e.kinuha niya ang
kapanagutan ng anumang bagay, at ibinigay sa kanya ang
tungkuling ito. Tulad halimbawa ng pinuno sa labanang ginawa
ang sinuman na gampanan ang katungkulan ng alinmang bagay o
sa sinumang inilagay ang kapanagutan sa pagbenta ng anumang
bagay, at kinuha ng tao ang tungkulin ng trabahong iyon..”
Ang may-akda ng An-Nihayah ay nagsabi:
“Ang Wilayah (guardianship) – tagapag-alaga – ang ibig
sabihin, ay mangasiwa na may kakayahan at aksyon. Sinu-sino ang
kukuha ng kapanagutan ng anumang bagay, ito ay Mawla –
tagapag-alaga – Ang sabi ni Umar kay Ali, „Ikaw ang naging
mawla (guwardyan) ng bawat nananampalataya,‟ ibig sabihin ay
nakuha ang tungkulin ng kapakanan ng bawat nananampalataya.”
Ang may-akda ng al-Qamus ay nagsabi:
“Ang Wilaya – tagapag-alaga – ibig sabihin ay patakaran,
pagmando (command), at kapangyarihan. Bilang Mawla i.e. kunin
ang kapanagutan ng anumang bagay na ang ibig sabihin ay maging
responsable dito. Kunin ang kapanagutan sa ulila ibig sabihin ay
maging responsable sa kanyang kapakanan…”
Ang sabi ng may-akda ng Lisan ul-Arab ay:75
“Ang sabi ni Sibawayh, “Ang pinanindigan ng Wilayah ay para
sa tagapag-alaga ng sinuman; kunin ang tungkulin ng kanyang
kapakanan at isakatuparan ang kanyang mga pangangailangan.
Ang Mawla (guwardiyan/tagapag-alaga) ng isang babae ay ang
sinumang magsagawa ng kapanagutan na makipagkasunduan sa
pag-aasawa, alang-alang sa kapakanan ng babae; hindi siya
makapag-asawa kung wala siyang (mawla) pagsang-ayon, ang sabi
ng Propeta Muhammad (s): (Para sa mga babae na nakapag-asawa
ng walang pahintulot mula sa kanilang mga (tagapag-alaga), ang
kanilang pag- iisang dibdib ay walang saysay)
Dahil dito, ang tunay na kahulugan nitong katagang (mawla) ay
kunin ang kapanagutan ng isang bagay at isakatuparan ito. Ang
iba‟t ibang kagamitan ng pamimigkas ay para ipahayag lamang
ang pangunahing katotohanan nito, katulad ng pagsabi ng katagang
lalaki ay para kay Zayd, Amr at Bakr. Tinawag ang Allah na
Mawla dahil Siya ang Tagapamahala sa kapakanan ng Tao. Ang
panginoon ay tinawag na mawla dahil siya ang may kapanagutan
ng kanyang alipin, at ang alipin ay tinawag din na mawla dahil siya
ang may katungkulan upang isakatuparan ang kapakana n ng
kanyang panginoon. Gayundin, mga magkapitbahay, mga
magpinsan, mga magkakampi at mga manugang na lalaki ay
tinawag na mawla dahil tinutulungan nila ang sinumang
nangangailangan ng kanilang tulong. Kaya, mayroon itong
karaniwang literal na kahulugan.”
Sa gayon, ang kahulugan ng sinabi ng Propeta (Sa sinuman na
ako ang naging tagapag-alaga, andito si Ali na kanya ring
magiging tagapag-alaga (guwardiyan)) ang ibig sabihin na kung
sinumang nasa akin ang kapanagutan ng kanyang mga kapakanan,
(ganun din) si Ali ang kukuha ng kapanagutan ng kanyang mga
kapakanan. Sadyang maliwang ito sa pagka-pinuno, imamate at
tagapag-alaga ng bansa. Dahil ang Propeta Muhammad (s) ay
pinuno, tagapag-alaga (guwardiyan) at tagapag-mando ng bansa,
kaya gayundin ang para kay Ali.76
Ito ang tunay na kahulugan ng kataga ayon sa opinyon ng mga
dalubwika. Kung sinuman ang tatanggi sa kahulugang ito alangalang sa pagpili ng marami at iba‟t- ibang mga kahulugan ng
katagang „mawla‟, ito na yung kataga na pangkaraniwan na sa
pamimigkas, ngunit nagkaroon man ng iba‟t-ibang mga kahulugan
ay may kasarinlan sa isa‟t isa. Sa ganitong kaso, wala ng duda ang
kahulugan na sumasang-ayon sa tradisyon ay yaong nauna. Ilan sa
mga nakatatandang mga iskolar ay naitalakay na nila ang paksang
ito sa kanilang mga aklat. Ang sabi ni Abu Ubayda sa kanyang
aklat na Ghareebul Qur’an: “ang kahulugan ng Mawla ay Karapatdapat.” Tinukoy niya ang makatang talata ni al-Akhtal kay Abdul
Malik bin Marwan bilang kanyang katibayan.
Ang sabi ni al-Anbari sa kanyang aklat na Tafsirul-Mushkil fil
Qur’an: “Ang Kahulugan ng Mawla ay ang karapat-dapat.”
Sina az-Zajjaj at al-Farra‟ ay nagsabi, tulad ng nabanggit ni alFakhr ar-Razi sa kanyang aklat na At-Tafsir, tomo 29 pahina 227,
edisyon ng Egypt na ang “Mawla ay nangangahulugan ng karapatdapat.”
Nabanggit na si Abul-Abbas al-Mubarrid ay nagsabi na ang ibig
sabihin ng Mawla ay kapaki-pakinabang at pinaka-karapat-dapat.
Ang sabi ni az-Zamakhshari sa kanyang Tafsir, tomo 4 pahina
66, edisyon ng Egypt: Ang katotohanan, ang ibig sabihin ng
Mawla ay kalalagyan mo, na kung saan ang pinakamainam na
kalalagyan mo.”
Sa aklat ni al-Halabi na At-Taqrib, ay nagsabi: “Ang
katotohanan niyan, ang ibig sabihin ng Mawla ay karapat-dapat at
ang ibang mga pamimigkas ay dito nanggaling. Ang panginoon ay
mawla dahil siya ang karapat-dapat na mangasiwa sa kapakanan ng
kanyang mga alila at ang magdala ng kanilang mga pagkakasala.
Ang alila ay mawla dahil siya ang karapat-dapat na sumunod sa
utos ng kanyang panginoon. Kaya ganoon din ang pinalayang 77
alipin, ang taga-tulong ang siyang karapat-dapat na tumulong sa
kanyang mga tinutulungan, ang kakampi ay higit na karapat-dapat
na umalalay sa kanyang kinakampihan, ang kapitbahay na maging
karapat-dapat na tumulong sa kanyang kapitbahay at ipagtanggol
siya. Ang manugang na lalaki ang magiging karapat-dapat sa
kanyang mga kamag-anak, ang imam ang magiging karapat-dapat
sa kanyang mga pinangungunahan at ang pinsan ay magiging
karapat-dapat na tumulong sa kanyang pinsan.”
Dahil sa ang katagang (Mawla) ay nangangahulugan na karapatdapat, wala ng dahilan upang ito ay baliktarin mula sa tunay na
kahulugan at maghangad ng iba pa.
DAGDAG NA KATIBAYAN UKOL SA KAHALAGAHAN NG TRADISYON SA AL-GHADIR
Ang Unang Katibayan:
Tinanong ng Propeta Muhammad (s) ang mga tao bago
hirangin si Imam Ali bilang tagapag-alaga (o guwardiyan) sa
pamamagitan ng pagsasabi, “Hindi ba ako ang mas mahalaga
(o karapat-dapat) sa sarili ninyo kaysa sa inyo?”Pagkatapos,
siya ay nagsabi: “Kung sinuman na ako ang kanyang naging
guwardiyan (tagapag-alaga), itong si Ali ay kanya (ding)
magiging guwardiyan (tagapag-alaga).”
Kinuha muna ng Propeta ang kanilang katapatan na siya (s) ay
karapat-dapat sa sarili nila kaysa sa kanila, bago niya (s) sinabi
ang, „Kung sinuman na ako ang kanyang naging guwardiyan, itong
si Ali ay kanyang magiging guwardiyan,‟ alinman sa dalawa ang
nagpalinaw sa isa sa dalawang bagay: (1) upang patibayin ang
kahalagahan at kaya sila nangumpisal (nagtapat). Sa ganitong kaso
ang sumusunod ay naging katotohanan na ang katagang mawla na
iyon, ay, ibig sabihin ay karapat-dapat at wala ng iba. Kaya ang
kasabihan ng Propeta ay mangahulugan na, “hindi kaya ako
karapat-dapat sa inyong sarili kaysa sa inyo? Kanino mang sarili na 78
ako ang higit na karapat-dapat, itong si Ali ay magiging karapatdapat sa kanya (sarili ng tao) kaysa sa kanya (sa tao mismo).” O
(2) pilitin sila upang di makapagsinungaling sa kung ano ang gusto
niya (s) pagkatapos nito, yaong paghirang kay Ali bilang tagamando at tagapamahala sa kanila. Samakatuwid, ang Mawla dito,
ang ibig sabihin ay kapangyarihan at pagkapinuno at wala ng iba.
Sa magkaparehong kaso, ang kahulugan ng hadith na si Imam
Ali ay may karapatang isaayos ang kanilang kapakanan at
kailangan nilang sumunod sa kanya at hindi siya (a) dapat
hadlangan sa ganito.
Bukod diyan, maraming mga iskolar ng Sunni at Shia ang
tumukoy sa kasabihan ng Propeta (s), „Kung sinuman ako ang
kanyang guwardiyan, itong si Ali ay kanya (ring) magiging
guwardiyan, „ matapos niyang sabihin ang, „Hindi ba ako ang mas
mahalaga (o karapat-dapat) sa sarili ninyo kaysa sa inyo?‟ na may
konting pagkaiba sa kataga. Andito ang ilan sa mga pangalan ng
mga iskolar na iyon:
1. Abu Hatim
2. Abu Musa
3. Abu Na‟im
4. Abu Ya‟la
5. Abul-Faraj
6. Ad-Darqutni
7. Ahmad bin Hanbal
8. Al-Aasimi79
9. Al-Anbari
10. Al-Ayji
11. Al-Badkhashi
12. Al-Bayhaqi
13. Al-Bayzaawi
14. Al-Hakim
15. Al-Halabi
16. Al-Hamawini
17. Al-Hasakani
18. Al-Haythami
19. Al-Jazari
20. Al-Kanji
21. Al-Khal‟i
22. Al-Khatib
23. Al-Khawarizmi
24. Al-Maqrizi
25. Al-Maybadi
26. Al-Mulla80
27. Al-Qati‟i
28. Al-Wassabi
29. An-Nisaa‟i
30. Ash-Sharif
31. Ash-Shaybani
32. Ash-Shaykhani
33. As-Saharniwari
34. As-Sajistani
35. As-Sam‟ani
36. As-Samhudi
37. As-Suyuti
38. Asilud-Din
39. Ath-Tha‟labi
40. Ath-Thahabi
41. At-Tabarani
42. At-Tabari
43. At-Taftazani
44. At-Tahawi81
45. At-Tirmidhi
46. Az-Zarand i
47. Gazz Aughli
48. Ibn Asaakir
49. Ibn Batta
50. Ibn Hajar
51. Ibn Hajar al-Makki
52. Ibn Kathir
53. Ibn Maja
54. Ibn Uqda
55. Ibnul-Athir
56. Ibnul-Maghazili
57. Ibnus Sabbagh
58. Ibnus-Samaan
59. Kamalud-Din
60. Muhibud-Din
61. Shihabud-Din
62. Waliyyud-Din82
63. Zia‟ud-Din
Ang Ikalawang Katibayan:
Ang pangalawang katibayan ay ang kahilingan ng Propeta para
kay Imam Ali sa sinabi niyang, “O Allah, maging alalay sa
sinumang umaalalay sa kanya at kaaway sa sinumang
sasalungat sa kanya at tulungan mo ang sinumang tumutulong
sa kanya at pagtaksilan ang sinumang magtataksil sa kanya.”
Ito ay nabanggit sa kahuli- hulihang hadith sa maraming mga
kaayusan. Nagpapakita ito, na ang kahalagahan ng ipinahayag ng
Propeta (s) hinggil kay Ali (a) ay nangangailangan ng tulong at
suporta at ang Imam Ali ay malamang magkakaroon ng kaaway at
magtataksil sa kanya. Sa karagdagan, ito ay nagpapahiwatig na si
Imam Ali ay impalible (di-maaaring magkamali) dahil hindi siya
gumagawa ng anuman maliban na lang kung ito ay para sa
kasiyahan ng Allah.
Ang Ikatlong Katibayan:
Ang mga Iba‟t- ibang pagsasalaysay ay nagpamalas na ang talata
ng Koran (Sa araw na ito nalubos Ko ang inyong pananampalataya
para sa inyo at nahusto ang Aking pagpapala sa inyo at pinili ang
Islam na relihiyon ninyo. 5:3) ay ipinahayag alang-alang sa
okasyong ito. Na siyang naging dahilan upang maging ganap ang
relihiyon at nakumpleto ang Biyaya ng Maykapal para sa mga
Muslim ay kailangang maging prinsipyo ng relihiyon. Ang
prinsipyo na kung saan ang kaayusan ng buhay at relihiyon ay
malulubos at sa pamamagitan nito ang pagsisikap ng tao ay
katanggap-tanggap. Ilan sa mga mananalaysay ng hadith ay
binanggit nila sa kanilang mga aklat at pinatotohanan ang puntong
ito. Sinaksihan nila na pagkatapos sinabi ng Priopeta (s) ang hadith
na ito ay sinundan niya ng pagsasabi ng, “Pinakadakila ang Allah
dahil sa kinumpleto Niya ang Kanyang relihiyon at kinumpleto
ang biyaya, at para sa Kanyang kasiyahan kasama ng aking 83
misyon at sa tagapag-alaga ni Ali bin Abu Talib.” Sa ibang
pagsasalaysay, ang sumusunod na kaayusan ay naitala: “… at ang
kaganapan ng relihiyon ng Allah ay sa pamamagitan ng
pagiging tagapag-alaga ni Ali pagkatapos ko.”
Ang Ikaapat na Katibayan:
Marami sa mga naisalaysay na nagpakita na ang talata ng Koran
(O Sugo! Paratingin sa mga tao ang ipinahayag sa iyo mula sa
iyong Panginoon; at kung iyon ay hindi mo gagawin, hindi mo
pinahatid ang Kanyang Mensahe. At ikaw ay pangangalagaan
ng Allah sa mga nilalang. 5:67) ay inihayag gawa ng okasyong
ding ito (Ghadir Khum). Ipinamalas ng talata ang kahalagahan ng
bagay na ito at kung mapapabayaan (ang pagpapabatid ng pagiging
guwardiyan ni Ali) ay para na ring pinabayaan ang misyon ng
Islam sa kabuuan. Nagpamalas din ito na ito ay isang prinsipyo ng
Islam, ngunit hindi ito tungkol sa kaisahan ng Maykapal,
pagkapropeta o muling-pagkabuhay na ipinaalam ng Propeta mula
pa sa simula ng kanyang misyon. Walang ibang natira kundi ang
pagka-Imam ni Ali (a), na siyang alinlangan ang Propeta na
ipahayag dahil sa pangamba niya sa mga tao. Samakatuwid, sinabi
ng Allah, At ikaw ay pangangalagaan ng Allah sa mga nilalang.
(5:67)
Ang Ikalimang Katibayan:
Marami sa mga isinalaysay ang bumanggit ng reperensiyang
aklat ng hadith hinggil sa talata ng Koran, “Sa araw na ito
nalubos Ko ang inyong pananampalataya para sa inyo at
nahusto ang pagpapala sa inyo,” (5:3). Ipinaliwanag na ito ay
ipinahayag pagkatapos ng kaganapan sa al-Ghadir na kung saan
ipinabatid ng Propeta na si Ali ay magiging guwardiyan ng mga
Muslim. Gayundin, ang talata ay nagpabatid na ang kadalisayan ng
relihiyon at ang kakumpletuhan ng biyaya ng Maykapal sa Islam
ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pagpahayag ng pagkaguwardiyan at pagkapinuno (Imam) ni Ali.84
Ang Ikaanim na Katibayan:
Sa ilang mga naisalaysay, ang sabi ng Propeta sa tradisyong ito,
“ipinadala ako ng Allah na may misyon, na siyang mahirap
dalhin ng aking damdamin at nasa isip ko ay hindi ako
paniniwalaan ng mga tao. Pagkatapos ako ay binantaan ng
Allah ng Makalangit na kapighatian kung hindi ko ito
ipapahayag.”
Ang Ikapitong Katibayan:
Ang hadith na ito ay nagpatotoo ng maraming paraan, binigkas
ng Propeta (s) itong kagalang-galang na kasabihan pagkatapos
niyang makuha ang pagtatapat ng mga tao sa Kaisahan ng Allah at
ng Pagka-Propeta ng Muahammad (s). Ipinakita lamang ang
katotohanan na ang bagay na ito ay napakahalaga sa Islam at
ikinukunsidera bilang isa sa pundamental ng pananampalataya.
Ang Ikawalong Katibayan:
Bago niya ipinahayag ang mahalagang bagay na ito, ang Propeta
ay nagsabi: “Ako ay malapit ng tawagin (mamamatay) at ako
ay tutugon.”
Ito ay nagpabatid na ang Propeta ay nangangamba sa
iiwanan niyang napakahalagang bagay na kailangan niyang
ihayag bago siya mamatay. Ito ay walang iba kundi ang pagkaguwardiyan ni Ali.
Ang Ikasiyam na Katibayan:
Ang sabi ng Propeta (s), pagkatapos niyang ipahayag ang balita
tungkol sa pagka-guwardiyan ni Ali ay: “kailangang ipaabot ng
sinumang nakadalo dito ngayon sa mga kung sino ang hindi
nakadalo.” 85
Nagpapahiwatig lamang ito na siya ay balisa tungkol sa bagay
na ito at kailangang umabot sa lahat ng mga Muslim.
Ang Ikasampung Katibayan:
Pagkatapos ipahayag ng Propeta (s) ang balita ng pagkaguwardiyan ni Ali (a), siya ay nagsalita: “O Allah, Ikaw ang saksi
ng naihayag ko at naipayo.”
Nagpahiwatig dito na naihayag niya ang malaki at
mahalagang bagay na kanyang nagawa para sa mga Muslim at
napawalang-sala niya na ang kanyang sarili sa dakilang
kapanagutan na ito.
Ang Ikalabing-isang Katibayan:
Andoon ang katotohanang katibayan na napakalinaw at
sagana sa pagpapatunay ng hangarin sa tradisyong ito. Tulad
halimbawa, nang huminto ang Propeta (s) sa disyerto sa
kasagsagan ng init ng araw sa tanghali. Nabanggit ng mga
tagapahayag ng Hadith at mga mananalaysay na napakainit
ng araw na iyon na ang ilang mga tao ay kailangan nilang
lagyan ng damit ang kanilang mga ulo, ang iba ay tinakpan
nila ang kanilang ulo ng kanilang mga alporahas (saddlebags),
ang iba ay naupo sa lilim ng kanilang mga kamelyo at ang iba
ay naupo sa lilim ng mga bato. Pagkatapos sinabihan ng
Propeta (s) ang kanyang mga Kasamahan na magtayo ng
mataas na tuntungan ng kamelyo at mga bato ng sa gayon ay
makita ang lahat ng Muslim na may kulang-kulang pitumpu,
walumpu o isang daang libong katao tulad ng sinasabi ng
ibang mananalaysay.
Inutusan ng Propeta (s) ang mga Muslim na nasa malayo na
ang bumalik at yaong mga nasa hulihan na huminto.86
Pagkatapos isinama niya (s) si Ali sa kanya sa taas ng
entablado, hinawakan niya ang kamay, at iniangat ito
hanggang sa makita ng mga nakatingin ang puting kilikili ng
Propeta (s).
Ang ikalabindalawang katibayan:
Ang mga tao ay nagbigay galang kay Imam Ali (a);
nakipagkamay sa kanya, at binati nilang pareho ang Propeta at
siya. Nabanggit pa na si Umar bin al-Khattab ang unang bumati sa
kanya Ang Hadith ng pagbati ni Umar kay Imam Ali ay umabot sa
amin na higit animnapung iba‟t- ibang kaayusan. Abu Sa‟id anNeisaburi (namatay noong 407 A.H.) nabanggit sa kanyang aklat
Sharaful-Mustafa ang tungkol sa naganap sa Ghadir ayon sa
tradisyon na isinalaysay ni Ahmad bin Hanbal na mula kay alBara‟ bin Aazib at may isa pang isinalaysay ni Abu Sa‟id alKhudri, na ang Propeta (s) ay nagsabi: “Batiin ako! Batiin ako!
Dahil pinaburan ako ng Allah ng Pagka-Propeta at pinaburan
ang aking pamilya ng Pagka-Pinuno (Imamate).” Pagkatapos
ay sinalubong ni Umar bin Khattab si Imam Ali at ang sabi:
“Nawa‟y pagpalain ka, ikaw ay naging guwardiyan ko at
guwardiyan ng bawat nananampalataya; na kalalakihan at
kababaihan.”
Nabanggit ni at-Tabari sa kanyang aklat na al-Wilayah ang isang
tradisyon na isinalaysay ni Zayd bin Arqam na nagsabi ang Propeta
Muhammad (s), “Sabihin na nangako kami sa aming sarili at
kataga mula sa aming mga dila at pagparangal ng aming mga
kamay na aming ipapasa sa aming mga inapo at sa aming mga
pamilya. Na hindi namin kailanman babaguhin iyon…”
Nabanggit ng may-akda ng Rawzatus-Safa sa tomo 1 pahina
173, na ang Propeta Muhammad (s) ay umupo sa isang tent at
hinayaan si Imam Ali na maupo sa iba. Inutusan niya ang mga Tao
na batiin si Imam Ali sa kanyang tent. Nang matapos na ang mga 87
tao sa pagbati kay Imam Ali, inutusan ng Propeta (s) ang kanyang
mga asawa na pumunta at batiin si Imam Ali.
Ang sabi ni al-Ghazali sa kanyang aklat na Sirrul-Aalameen, sa
Ikaapat na Sanaysay:
((Ang katotohanan ay malinaw na kristal at ang madla ay
nagkaisang sumang-ayon sa nilalaman ng pangungusap ng
Propeta (s) nang sabihin niya iyon sa Araw ng Ghadir: “Sa
sinumang ako ang kanyang guwardiyan, andito si Ali na kanya
ding magiging guwardiyan.”
Pagkatapos nagsabi si Umar: “Magaling, O Abul-Hassan
(apelyido ni Imam Ali)! Ikaw ay naging guwardiyan ko at
ganoon din ng bawat nananampalataya; lalaki at babae.”
Kaya, nagkaroon ng pagtanggap, pagsang-ayon at ng
paghirang ng kanyang pagiging pinuno. Ngunit, pagkalipas ng
panahon itong karapatan ay natalo sa mga nagnanasang
humawak ng kapanagutan, upang makamit ang titulo bilang
Khalifah (Kinatawan), upang makapagwagayway ng watawat
at ng hiningang malakas ng mga kabayo sa pakipagbakbakan
at upang makapanlupig ng mga bansa. Ang lahat ng ito ay
nakagawa sa kanila upang inumin ang tasa ng pagkawalangkatotohanan at bumalik sa unang alitan. Ibinalibag nila ang
karapatan sa kanilang mga likuran at ibinenta ito sa maliit na
halaga, at anong sama ng bagay na kanilang nabili!))
Ang Ikalabintatlong Katibayan:
Ang naganap kay al-Harith bin an-Nu‟Man al-Fihri ay ibang
munting katibayan. Nabanggit ito ng maraming mananalaysay, ang
isa sa kanila ay si ath-Tha‟labi sa kanyang Tafsir. Ipinatawag ng
Propeta (s) ang mga tao sa Ghadir Khum upang magtipon, at saka
niya kinuha ang kamay ni Ali, at ang sabi: “Sa sinumang ako ang 88
kanyang guwardiyan, andito si Ali na kanyang magiging
guwardiyan (din).”
Kumalat ang balita kung saan-saan at umabot kay al-Harith bin
an-Nu‟man al-Fihri. Dumating siya habang sakay ng kanyang
kamelyo hanggang sa sumapit siya sa lugar na kung tawagin ay alAbtah. Siya ay bumaba at itinali ang kanyang kamelyo. Pumunta
siya sa Propeta (s) na kasama ang ilang Kasamahan at ang sabi: “O
Muhammad, inutusan mo kami, mula sa Allah, na magsaksi na
walang ibang diyos maliban sa Allah at ikaw ay ang Kanyang
Sugo at tinanggap namin. At inutusan mo kami na magdasal
ng limang beses sa loob ng isang araw at tinanggap namin. At
inutusan mo kami na pumunta sa Mekka upang mag-Hajj at
tinanggap namin. Ang lahat ng mga iyon ay hindi ka
nasiyahan hanggang sa iniangat mo ang kamay ng iyong
pinsan upang siya ay piliin mula sa amin at ang sabi mo, sa
kung sinuman ako ang kanyang guwardiyan andito si Ali na
kanyang magiging guwardiyan din! Ito ba ay mula sa iyo o
mula sa Allah?” Ang sabi ng Propeta (s): Isinusumpa ko sa
ngalan ng Allah na maliban sa Kanya ay wala ng ibang diyos,
na ito ay mula sa walang iba kundi sa Allah.”
Lumakad si al-Harith patungo sa kanyang kamelyo at ang
sabi: “O Allah, kung ang sinasabi ni Muhammad ay totoo
pahintulutan Mong umulan ng bato ang kalangitan sa amin o
padalhan Mo kami ng masakit na pighati.” Bago pa siya
makarating sa kanyang kamelyo, ipinukol ng Allah ang bato sa
kanya na bumaba sa korona ng kanyang ulo at lumabas sa
kabila ng kanyang ulo at napariwara siya.
Nabanggit ito sa maraming mga tradisyon na ang mga talata ng
Koran: Isang nag-uusisa ang nagtatanong tungkol sa parusa na
malapit ng ipataw sa mga di sumasampalataya… (70:1-3) ay
inihayag dahil sa kaganapang ito.89
Ang Ikalabing-apat na Katibayan:
Si Hassan bin Thabit ay humingi ng pahintulot sa Propeta (s) na
isalarawan ang kaganapan sa pamamagitan ng tula. Ang kanyang mga
tula ay paulit-ulit na isinasalaysay at nababanggit sa mga aklat ng
parehong Sunni at Shia. Sinulat ni Hassan:
Ang kanilang Apostol ay nanawagan sa kanila sa Araw ng Ghadir
Khum,
Anong nananawagan siya ay, ang pinakamagaling.
Ang sabi niya, “Sino ang inyong guwardiyan at sino ang inyong
Apostol?”
Ang sabi nila, ay walang iba‟t nag-koro
“Ang iyong Allah ang aming guwardiyan at ikaw ay aming
Apostol,
hindi ka makakahanap sinuman sa amin ang suwail.”
Tapos siya ay nagsabi “O Ali, tumayo ka
Ikaw ang aking napiling maging Imam at tagapatnubay
pagkatapos ko
Sa sinuman na guwardiyan nila ako, ito ay magiging guwardiyan
niya.
Gawin, para sa kanya, tagasunod ng katotohanan.”
Saka siya humiling “O Allah, tulungan ang sinumang tumutulong
sa kanya,
At maging kaaway sa kaaway ni Ali.”
Si Ibnu-al Jawzi at Abu Abdullah al-Kanji ash-Shafi‟ee ay nagsabi,
ang sabi ng Propeta (s) matapos niyang mapakinggan ang tulang iyon,
“O Hasan, nananatili kang tinutulungan ng Banal na Espiritu kung
kailanman ikaw ay magsusumikap para sa amin kasama ng iyong
dila”90
Si Qays bin Ubada al-Ansari ay nagsabi ng sumusunod na
tula sa harap ni Imam Ali noong panahon ng paglalaban sa
Siffin,
Sabi ko, nang kami ay apihin ng aming kalaban,
„Sapat na sa amin ang umasa sa Allah, ang aming
guwardiyan,
At si Ali, ang aming Imam at aming tagadala ng sagisag,‟
Na siyang katulad ng inihayag sa Banal na Koran.
Nang sabihin ng Propeta, kung kaninuman ako ay kanyang
guwardiyan,
Ito ay kanya (din) guwardiyan, dakila at kagalang-galang.
Ang Ikalabinlimang Katibayan:
Pumunta si Imam Ali sa nababakurang lugar sa Moske ng Kufa
habang ang mga tao ay nagtitipon-tipon doon at tinanong siya
tungkol dito sa tradisyon upang pabulaanan ng kanyang kasalungat
ang bagay ng pagiging kinatawan (caliphate). Ang sabi niya:
“Tinanong ko kahit sino na magsaksi sa harap ng Allah kung
narinig niya ang Propeta na nagsabi, sa araw na iyon sa
Ghadir Khum, “Sa sinuman na ako ang kanyang guwardiyan,
andito si Ali ang kanya (ding) guwardiyan.” Ilang tao
pagkatapos niyon ang tumayo at nagsaksi.
Ang balita tungkol sa panawagang kailangan agad ni Imam Ali
ay kumalat ng napakalawak hanggang sa umabot sa antas ng
malawakang pagtransmiti. Ang sabi ni al-Hamawini sa kanyang
aklat na Fara’id as-Samtein, “Sina Zayd bin Arqam, al-Bara‟
bin Aazib, Salman at Abu Dharr ay tumayo at nagsabi, „Kami
ay magsasaksi na naalala namin noong nasa Pulpito ang 91
Propetang Muhammad (s) nang sabihin niyang: “O mga
mamamayan, inutusan ako ng Allah na hirangin ang inyong
Imam na siyang tagapanagutan ng inyong mga kapakanan
pagkatapos ko na maging aking tagapagmana at tagahalili.
Siya ay dapat sundin ng lahat ng nananampalataya ayon sa
utos ng Allah na katulad ng nasa Koran. Ginawa ng Allah ang
pagsunod sa kanya na katulad ng pagsunod sa akin at inutusan
Niya kayo na gawin siyang guwardiyan…atbp.
Ang Ikalabing-anim na Katibayan:
Ilan sa mga aklat ng hadith ay nagpahayag na ang
pangyayari sa pagkakataong ito ay isang nominasyon.
Ipinasok ng Propetang Mohammad (s) ang pangalan ni Imam
Ali bilang guwardiyan. Ito ay napakalinaw na ang gayong
nominasyon ay hindi lamang para ipakita ang pagmamahal
para sa ilang pangkatawang bagay. 92
Ang Ikasiyam na Huwad na Pangangatuwiran:
SINO ANG PAMILYA NG PROPETA?
Ilan sa mga tao ang pumupuna sa mga Shia dahil sa pagtakda sa
pamilya ng Propeta ay para kay Imam Ali, Fatima at kanilang mga
anak na sina Hasan at Husayn (sumakanila ang kapayapaan)
lamang at di- isali ang mga asawa ng Propeta at mga tiyuhin.
ANG KASAGUTAN
Ang kasabihan ng Propeta ay nagpatunay na ang mga miyembro
ng kanyang pamilya ay ang limang katao lamang. Ang gayong
kasabihan ay isinalaysay ng ilan sa mga Kasamahan na nabanggit
sa maraming mga aklat ng Sunni.
Nabanggit ni at-Tirmidhi sa kanyang aklat na as-Sahih, tomo 13
pahina 200 – edisyon ng Egyptian –, isang tradisyon na isinalaysay
ni Umar bin Abu Salama na kung saan sinabi niya nasa talata ng
Koran, ―Tunay, nais ng Allah na pawiin ang lahat ng dumi sa
inyo, O mga Kasambahay ng Tahanan, at kayo ay ganap na
linisin. (33:33),” ay inihayag sa bahay ni Umm Salama. 93
Pagkatapos tinawag ng Propeta (s) si Fatima, Hasan, Husayn at
Imam Ali na pumunta sa kanyang likuran. Saka niya binalot ang
kanilang sarili ng kumot at sabay sabi: “O Allah, ito ang aking
pamilya. Ilayo mo sa kanila ang karumihan at linisin Mo sila ng
ganap.”
Ang sabi ni Umm Salama, „ako ba ay kasama nila?‟ Ang sagot
ng Propeta, „Mayroon kang kalalagyan at ikaw ay nasa mabuting
uuwian.‟
Binanggit ng may-akda ang ibang ugnayan na naisalaysay ni
Umm Salama, Ma‟qil bin Yassar, Abul Hamra‟ at Anas bin Malik.
Sa ibaba nito, babanggitn namin ang ibang mga pinagmulan ng
kasabihan ng Propeta hinggil sa nabanggit sa itaas na talata ng
Koran tungkol sa Kadalisayan nina Imam Ali, Fatima, Hasan at
Husayn, na naitala sa mga aklat ng Sunni na tinukoy ng aming
aklat Jami’ Barahin Usul ul-I’tiqadaat:
1. Isinalaysay ni Umar bin Atiyah, mula kay Abu Sa‟id alKhudri na nagmula kay Umm Salama (The History of
Baghdad) tomo 9 pahina 126.
2. Al-Husayn bin al-Hasan mula kay Abu Sa‟id al-Khudri na
nagmula kay Umm Salama (Asawa ng Propeta) {The History
of Baghdad) tomo 9 pahina 126.
3. Hisham bin Salim, mula kay Wahhab bin Abdullah, na
nagmula kay Umm Salama (Al-Mu’jam ul-Kabir) pahina 134.
4. Abdul-Malik bin Sulayman mula kay Ata‟ na nagmula kay
Umm Salama (Al-Mu’jam ul-Kabir) pahina 134.
5. Sharik bin Namr, Ata‟, Umm Salama (Ma’alimut-Tanzil)
pahina 213.94
6. Muhammad bin Sawqa mula kaninuman na nagmula kay
Umm Salama (Akhlaq un-Nabi) pahina 116.
7. Abdullah bin Abu Riyah, mula kaninuman, na nagmula kay
Umm Salama (Tafsir ni Ath-Tha‟labi) Sulat-kamay,.
8. Abdullah bin Abu Riyah, Hakim bin Sa‟d, Umm Salama
(Tafsir ni Ibn Kathir) tomo 3 pahina 483.
9. Atiyah mula sa kanyang ama na nagmula kay Umm Salama
(Tafsir ni Ibn Kathir) tomo 3 pahina. 483.
10. Atiyah, mula kay Shahr bin Hawshab, na nagmula kay Umm
Salama (Tafsir ni Ibn Kathir) tomo 3 pahina 483.
11. Sufyan bin Zayd, Shahr bin Hawshab, Umm Salama (Sahih
ni At-Tirmidhi) tomo 13 pahina 248.
12. Zubayd, Shahr bin Hawshab, Umm Salama (MawzzihulAwham) tomo 2 pahina 281.
13. Abdul Hamid bin Bihram, Shahr bin Hawshab, Umm Salama
(Musnad ni Ahmad) tomo 6 pahina 298.
14. Dawud bin Abu Auf, Shahr bin Hawshab, Umm Salama (AlQawlul-Fasl) tomo 2 pahina 177.
15. Ajlah, Shahr bin Hawshab, Umm Salama (Musnad ni
Ahmad) tomo 2 pahina 173.
16. Athal, Shahr bin Hawshab, Umm Salama (History ni AlBukhari) tomo 1 pahina 70.
17. Shu‟eib bin al-Minii‟, Shahr bin Hawshab, Umm Salama
(History ni Al-Bukhari) tomo 1 pahina 70.95
18. Ja‟far bin Abdur-Rahman, al-Hakam bin Sa‟id, Umm Salama
(History ni Al-Bukhari) tomo 1 pahina 70.
19. Muhammad bin Shirin, Abu Hurayra, Umm Salama (tafsir
Jami’ul-Bayan) tomo 22 pahina 7.
20. Awaam bin Hawshab, mula sa kanyang pinsan, na nagmula
kay „Aa‟isha (Al-Qawlul-Fassl) tomo 2 pahina 215.
21. Mus‟ab bin Sheiba, Safiyyah, „Aa‟isha (as-Sunanul Kubra)
tomo 2 pahina 149.
22. Awza‟i, Abu Ammar, Wathila bin al-Asqa‟ (Mustadrak)
tomo 2 pahina 152.
23. Abdur-Rahman bin Amr, Shaddad bin Abdullah, Wathila bin
a l-Asqa‟ (Siyer A’lamin-Nubala’) tomo 3 pahina 212.
24. Al-A‟mash, Atiyah, Abu Sa‟id al-Khudri (Jami’ul Bayan)
tomo 22 pahina 6.
25. Abul-Hijaf, Atiyah, Abu Sa‟id al-Khudri (Al-Mu’jam usSaghir) tomo 1 pahina 134.
26. Imran bin Muslim, Atiyah, Abu Sa‟id al-Khudri (The History
of Baghdad) tomo 10.
27. Ibn Umar al-Kirmani, Atiyah, Abu Sa‟id al-Khudri
(Tabaqatul-Muhadditheen) pahina 149.
28. Abdur-Rahman bin Abu Bakr, Isma‟il, mula sa kanyang ama
si Abdullah bin Jaafar (Al-Qawlul-Fasl) pahina 185.
29. Abdur-Rahman bin Abu Bakr, Ibn Abbas (Arjahul-Matalib)
pahina 54.96
30. Hammad bin Salama, Ali bin Zayd, Anas bin Malik (Musnad
ni Ahmad) tomo 3 pahina 259.
31. Abdur-Rahman bin Abu Bakr, Hamid, Anas bin Malik (AlMustadrak) tomo 3 pahina 159.
32. Abaad bin Abu Yahya, Abu Dawud (pahina 6), Abul Hamra‟
(Kuna ni An-Najaari) pahina 25.
33. Yunus bin Abu „Ishaq, Abu Dawud, Abul-Hamra‟
(Muntakhab Theyl al-Mutheyl) pahina 83.
34. Mansur bin Abul-Aswad, Abu Dawud, Abul-Hamra‟ (AlMu’jam ul-Kabir) pahina 134.
35. Abu „Ishaq as-Subey‟i, Abu Dawud, Abul-Hamra‟ (History
of Islam) tomo 2 pahina 97.
36. Umayr Abu Arfaja, Atiyah (Usdul-Ghaba) tomo 3 pahina
413.
37. Al-Aufi, Amr bin Atiyah at al-Husayn bin al-Hasan, mula
kay Atiyah (The History of Baghdad) tomo 9 pahina 126.
38. Bukeyr bin Mismaar, Aamir bin Sa‟d, Sa‟d (Jami’ul Bayan)
tomo 22 pahina 8.
39. Abu Balah Amr bin Maymun (Al-Mustadrak) tomo 3 pahina
132.
40. Yahya bin Ubayd, Attar bin Abu Riyah, Umar bin Abu
Salama (Sahih ni At-Tirmidhi) tomo 13 pahina 200.
41. Yahya bin Ubayd, Sahl bin Sa‟d (A l-Isti’aab) tomo 2 pahina
460.97
42. Abu Hurayra, Sahl bin Sa‟d (Al-Isti’aab) tomo 2 pahina 56.
43. Bureyda al-Aslami, Sahl bin Sa‟d (Al-Isti’aab) tomo 2 pahina
56.
44. Abdullah bin Umar, Sahl bin Sa‟d (Al-Isti’aab) tomo 2
pahina 56.
45. Imran bin al-Husayn, Sahl bin Sa‟d (Al-Isti’aab) tomo 2
pahina 56.
46. Salama bin al-Aqua‟, Sahl bin Sa‟d (Al-Isti’aab) tomo 2
pahina 56.
47. Ma‟qil bin Yasaar (Sahih ni At-Tirmidhi) tomo 13 pahina
248.
Sa katapusan, ang tradisyon hinggil sa talata ng Koran ng
tungkol sa Kadalisayan at ang pagka-tahasan nito ay para sa kanila
(sumakanila ang kapayapaan), sa mga kataga ni al-Haddad alHadhrami ay isa ito sa tama, tanyag, malaganap at kilalang-kilala
na tradisyon na kung saan ang buong umma ay sumang-ayon at
labimpitong dakilang mananalaysay ay nagpatotoo na ito ay tama.98
Ang Ikasampung Huwad na Pangangatuwiran: