Friday, September 9, 2011

ANG IMBENTO NA ANG MGA SHIA AY NANINIWALA SA MISYON NG PAGIGING PROPETA AY PARA KAY IMAM ALI



    May kumakalat na palsong argumento na ang mga Shia (raw) ay
naniniwala  – bawal sa Allah  – na ang hangarin (daw sana) ng
pagiging propeta ay para kay Imam Ali, at ang Arkanghel Gabriel
(a) ay nagkamali sa paggawad at ito ay naigawad sa Propetang
Muhammad (s). Nag- imbento din sila ng kasinungalingan na ang
mga Shia ay bumibigkas ng, “Ang tapat (na Gabriel) ay nagkanulo,
(khanal ameen)” pagkatapos nilang gumawa ng pang-araw-araw na
dasal, tatlong beses habang inaangat ang kanilang kamay bilang
pagtutol.
ANG KASAGUTAN
    Ito ay isang malaking paninirang-puri laban sa mga Shia at isang
panlalait para sa Taga- ingat  ng Banal na Paghahayag, Allah, ang
Kataas-taasan. Iyon ay isang imbento na pinagkahulugan sa mga 50
Shia dahil napaka- imposible para sa isang Muslim ang magsalita
ng gayong bagay. Marahil mayroong lumitaw sa mga ilang
sukdulan (extremists) sa relihiyon na kung saan naipasya ng Shia
ibilang na mga di- nananampalataya.
    Ang katotohanan ng bagay na ito, ang mga Shia ay bumibigkas
ng Allahu Akbar (Dakila ang Allah) tatlong beses pagkatapos ng
kanilang pagdasal habang inaangat ang kanilang mga kamay kung
binibigkas ito. Ito ay naitatag sa kanilang mga aklat. Naniniwala
sila na ang pinakamainam na sasambitin pagkatapos magdasal ay
ang magsabi ng Allahu Akbar ng tatlong beses at pagkatapos ay
ang pagbigkas ng tulad ng binigkas ni Fatima (a) pagkatapos
niyang magdasal, iyon ay ang purihin ang Allah ng isang daang
beses; bigkasin ang Allahu Akbar ng tatlumput apat na beses,
Alhamdulillah (Pagpupuri sa Allah) ng tatlumput tatlong beses at
ng Subhan Allah (Kaluwalhatian sa Allah) ng tatlumput tatlong
beses. 

No comments:

Post a Comment

At sama-sama kayong humawak ng taimtim sa Lubid ng Allah, at huwag kayong maghiwa-hiwalay (Qur'an 3:103)

Bakit Shi’ah? Ang katawagang “Shi’ah” ay isang pang-uring ginagamit ng mga Muslim na sumusunod sa mga Imam mula sa Pamilya ng Propeta ( A...