Ilan sa mga tao ang nakahanap ng suliranin tungkol sa
paniniwala ng Shi‟a dahil sa sila ay hindi naniniwala alinma‟y sa
pagpilit o malayang nais ngunit sila ay gumamit ng interpretasyon
sa pagitan at pinabulaanan nila ang kaisipan ng Ash‟arite tungkol
sa pagpipilit.
ANG KASAGUTAN
Ang Ash‟arites na nagmula sa mga Sunnis, ay naniniwala sa
pagpipilit at ang Mu‟tazilites, na mula din sa Sunni, ay naniniwala
sa malayang nais. Ang mga Shias, na sumusunod sa kanilang mga
Imams (a), ay gumamit ng nasa gitna, sa pagitan ng dalawang
sitwasyong nabanggit. Una sa lahat, subukan muna natin
pabulaanan ang pagpilit at malayang nais sa pamamagitan ng
pagdulog sa mga talata ng Koran, pagkatapos ating susuriin yaong
mga tradisyon na nagmula sa ating mga Imams (s), itanggi ang
dalawang iyon at itatag ang nasa tagapamagitang posisyon sa
pagitan ng dalawang iyon. 12
MGA TALATA NG KORAN NA TUMANGGI SA PAGPILIT
Ang Unang Uri:
Mga talata na inialay ang mabuti at masamang mga gawain sa
mga tao mismo, tulad sa mga sumusunod na mga kabanatang ito;
a l-Isra‟ 15, Yunus 108, at az-Zumar 41:
Kaya sinumang sumunod sa patnubay ay sumusunod para sa
kapakanan ng kanyang sariling kaluluwa; at sinumang nalihis
ng landas sa kapinsalaan lamang nito.
Sabihin: Kung ako‟y nagkasala, ako ay nagkasala laban sa
aking sariling kaluluwa lamang.
May maraming bilang ng mga talata nagsasaad ng kahalintulad
ng ganoong ugat.
Ang Ikalawang Uri:
May mga talata na pinanghawakan ang Banal na Pook ng
pagka-Panginoon (i.e. bilang taga-Sustento at taga-Patnubay) ay
mas mataas kaysa sa di-makatarungan. Tulad ng halimbawa nang
sabihin ng Allah, “Tunay, si Allah ay hindi gumagawa ng
masama kanino man kahit na katiting.” (4:40). Mayroon pang
apatnapung gayong mga talata.
Ang Ikatlong Uri:
May ilang mga talata nagpamalas na sinusubukan ng Allah ang
Kanyang mga alipin kung pipiliin ba nila ang pananampalataya at
pagiging masunurin o pipiliin ba nila ang walang paniniwalaan at
pagiging suwail. Ang sabi ng Allah, “Na lumikha ng kamatayan
at buhay upang kayo ay masubok Niya – kung sino sa inyo ang
may pinakamabuting gawa.” (67: 2)13
Mayroong halos animnapu‟t-pitong mga talata na may ganitong
kahulugan.
Ang Ikaapat na Uri:
May ilang mga talatang nananawagan sa mga tao upang
maniwala, patnubayan, pagdarasal, kabanalan at iba pang katulad
niyan, at ang Allah, walang duda, gusto Niya sa mga tao ang
gumawa ng mga ganitong bagay. Ang sabi Niya: “…upang
maniwala sila sa pakikipagtagpo sa kanilang Panginoon.”
(6:154)
“…upang mabalaan ninyo ang isang lipi na wala pang
pumupuntang Tagapagbabala bago kayo, upang sila ay
mapatnubayan.” (32:3)
“…at nang mabalaan nila ang kanilang lipi pagbabalik nila
sa kanila, upang makapag-ingat sila laban sa kasamaan.”
(9:122)
“…pagkaraan ay pinaghirap at pinag-away Namin sila
upang sila ay magpakumbaba.” (6:42)
“Sa gayon nililinaw ng Allah sa sangkatauhan ang Kanyang
mga utos upang sila ay maligtas sa kasalanan.” (2:187)
Mayroong pitumpu‟t-siyam na mga talata ang nagpapahayag ng
ganyang kahulugan.
Ang Ikalimang Uri:
May ilang mga talata na nagpapamalas na ang gantimpala ng
Allah at kaparusahan ay kabayaran sa kung ano ang nakamit ng tao
bunsod ng kanilang mga ginagawa. Ang sabi ng Allah, “…doon, 14
ang bawat kaluluwa ay babayaran nang buo ng kinita nito; at
sila ay hindi pagkakasalahan.” (2:281) (3:161)
“…upang ang bawat kaluluwa ay magantihan sa ginawa nito;
at sila ay hindi pagkakasalahan.” (45:22)
“Ang bawat kaluluwa ay nakapangako sa nauukol dito.”
(74:38)
“At sino mang gumawa ng kasalanan ay nagkasala lamang
sa kanyang sariling kaluluwa.” (4:111)
“At iyon ang pabuya sa kanila – Impiyerno; sapagkat sila ay
di sumampalataya at ginawang biro ang Aking mga palatandaan
at ang Aking mga Sugo.” (18:106)
“At para sa mga di-sumasampalataya sa kanilang Panginoon,
nakalaan ang parusa ng Impiyerno, at iyon ay isang masamang
hantungan.” (67:6)
“Ngunit iyong mga natatakaot sa kanilang Panginoon ay
magkakaroon ng mga hardin na dinadaluyan ng mga batis.”
(3:198)
“Ang pabuya nila ay nasa kanilang Panginoon – Mga Hardin
ng Walang Hanggang, na dinadaluyan ng mga batis.” (98:8)
Marami pang ibang mga talata na may gayong kahulugan sa
Banal na Koran.
Ang Ikaanim na Uri:
May mga talata na pinupuna at pinagsabihan ang mga walang
pananampalataya at mga marurumi ang budhi, at ito ay hindi tama
maliban kung magkakaroon sila ng kalayaan sa pagpili ng kanilang
mga ginagawa. Ang sabi ng Allah, “Paano kayo di maniniwala sa 15
Allah? Noong kayo ay walang buhay, Siya ang nagbigay sa inyo
ng buhay.” (2:28)
“Paano kayo di sasampalataya, gayong ipinamalas sa inyo
ang mga Palatandaan ng Allah, at kapiling ninyo ang Kanyang
Sugo?” (3:101)
“Kung gayon, kung kayo ay di sumasampalataya, paano
ninyo mapangangalagaan ang inyong mga sarili laban sa
pagsapit ng Araw na mamumuti ang buhok ng mga bata?”
(73:17)
“Bakit itinatanggi ninyo ang mga Palatandaan ng Allah,
gayong ang Allah ang Saksi sa mga ginagawa ninyo?” (3:98)
. “Maniniwala ba sila kung ganoon sa kasinungalingan at
itatatwa ang pagtatangi ng Allah” (29:67)
“Hindi ba inilahad sa inyo ang Aking mga palatandaan, at
itinuring ninyo ang mga iyon na mga kasinungalingan?” (23:
105)
Ang Ikapitong Uri:
May ilang mga talatang nagsasaad na sarili mismo ng mga tao
ang may kapanagutan sa pagka-walang pananampalataya at may
pananampalataya, pagkamasunurin at pagkasuwail. Ang sabi ng
Allah,
“At sinabi ni Moses, “kung kayo ay di sumasampalataya,
kayo at ang lahat ng nasa lupa, wala kayong magagawang
pinsala sa Allah; tunay ngang ang Allah ay Nagsasarili, Kapuripuri.”” (14:8)
“At sino mang tumanggi sa mga Palatandaan ng Allah, tiyak,
ang Allah ay mabilis magparusa.” (3:19)16
“Ituturing ba Namin ang mga sumasampalataya at
gumagawa ng mabuti na tulad ng mga gumagawa ng masama sa
lupa?” (38:28)
“At sino mang sumunod sa Allah at sa Sugo Niya, at
natatakot sa Allah, at itinuturing Siya na kalasag na
pananggalang, sila ang magtatagumpay.” (24:52)
“Ang dahilan ay sumuway sila at lumabag.” (5:78)
Binabanggit namin ang mga talatang ito bilang mga halimbawa
lamang. Yaong mga talata na nagtakda ng mga paggalaw ng mga
alipin ay tunay na napakarami kaysa sa mga ito.
Ang Ikawalong Uri:
May mga talata na nagsasaad na binigyan ng Allah ang mga tao
ng karapatang pumili sa pagitan ng may pananampalataya at
walang pananampalataya, pagkamasunurin at pagkasuwail. Ang
sabi ng Allah:
“Sa gayon ay hayaang sumampalataya ang may nais, at
hayaang di-sumampalataya ang may nais.” (18:29)
Ang Ikasiyam na Uri:
May mga talata na naghihikayat upang gumawa ng kabutihan
bago pa dumaan ang pagkakataon. Ang sabi ng Allah, “At
humingi agad ng patawad sa inyong Panginoon” (3:133)
Ang Ikasampung Uri:
May mga talata na nagsasaad na kailangan ng mga tao ang
humingi ng tulong mula sa Allah. Ang sabi ng Allah, “Ikaw 17
lamang ang sinasamba namin at Ikaw lamang ang hinihingan
namin ng tulong.” (1:5)
Ang ibig sabihin nito, ang tao ay tagapagganap ng kanyang mga
paggalaw at ang Allah ay ang tumutulong sa kanya sa mga
pinaggagawa niyang mga kabutihan.
Ang Ikalabing-isang Uri:
May ilang mga talata na isinama ang paghingi ng kapatawaran
sa Allah. Ang sabi ng Allah, ―Panginoon namin, kami ay
nagkasala at kung kami ay hindi Mo patatawarin at hindi
kahahabagan, kami ay tiyak na mapapariwara.” (7:23)
Ang Ikalabindalawang Uri:
May nakasaad sa ilang mga talata na ang pangungumpisal ng
mga walang pananampalataya sa Araw ng Muling-pagkabuhay ay
nagpamalas ng kanilang mismong sarili ang may kapanagutan sa
kanilang walang pananampalataya at pagkasuwail, Ang sabi ng
Allah, “Sasabihin nila, „kami ay hindi kabilang sa mga
naghandog ng Pagdarasal, ni hindi namin pinakain ang
mahihirap, at nagpasasa kami sa walang saysay na pakikipagusap sa mga nagpapasasa roon.‟” (74:43-45)
Ang Ikalabingtatlong Uri:
May ilang mga talata na nagpakita na ang mga di- naniniwala sa
Araw ng Muling-pagkabuhay, ay naghangad na sana ay maaari pa
silang bumalik sa buhay sa mundo upang magpakabanal. Ang sabi
ng Allah, “Panginoon ko, ibalik Mo ako nang makagawa ako ng
mabuti sa buhay na iniwan ko.” (23:99-100)
MGA TALATA NA PINABULAANAN ANG MALAYANG
NAIS18
Ilang mga talata ay naghahandog sa Allah ang kataas-taasan ng
kagagawang patnubay. Mayroong pitumpu‟t walong mga talata na
katulad niyon. Ang sabi ng Allah, “Sila ang mga pinapatnubayan
ng Allah nang tama, kaya sundin ang kanilang mga patnubay.”
(6:90)
Ang gayong mga talata ay nagpamalas na ang pinagmulan ng
patnubay ay Allah, pagpupuri sa Kanya, ngunit mayroon sa iilan
ang nagpapahiwatig na ang tao ay may kalayaang pumili kabilang
na ang kanyang patnubay. Ang sabi ng Allah, ―Sa gayon ay
hayaang sumampalataya ang may nais, at hayaang disumampalataya ang may nais.” (18:29)
“Iyong mga di-sumasampalataya ay magbabata ng mga
bunga ng kanilang di pananampalataya; at iyong mga
gumagawa ng mabuti ay naghahanda ng mabuti para sa
kanilang sariling mga kaluluwa.” (30:44)
Ang ibig sabihin ng ang Allah ang siyang pinagmulan ng
patnubay, Siya ang nagbigay sa tao ng kakayahan ng pagdama,
ginawang madali ang daan ng patnubay at kaalaman para sa kanya,
at pangalagaan siya laban sa mga panlilinlang ng mga shaytan na
nagmula sa jinn at sangkatauhan. Kung hindi lang gawa nito, ang
tao ay magiging walang pananampalataya at suwail. Samakatuwid,
ang Allah ang pinakamahalaga sa mga gawaing mabuti ng tao
kaysa sa mismong sarili ng tao.
Ang pagkalihis ng tao ay nagmula sa negatibong paggamit ng
kanyang malayang nais. Kahit pa sa mga panlilinlang ng shaytan at
ng mga maraming bagay pa, naroon pa rin sa kanya ang malayang
nais o kagustuhan. Binigyan siya ng Allah ng kakayahang
maniwala at di-maniwala at ng kakayahang mangdama, at ginawa
sa kanya ang mga palatandaan at katibayan ng patnubay at ng
Banal na Kaisahan sa kanyang pagpapasiya at ito ay ginawang
malinaw ng sa gayon ay makita niya ito. Kung gayon, ang Allah,
ay hindi naging sanhi ng pagkaligaw ng tao. Siya , ang Kataas-19
taasan, ang may di-makayanang lakas na higit pa sa Kanyang
alipin. Ang sabi ng Allah, ―Kung Kanyang nanaisin,
mapatnubayan Niya ang lahat ng sangkatauhan.” Kayang pilitin
ng Allah ang Sangkatauhan upang tanggapin ang patnubay sa
kagustuhan nila o di nila kagustuhan, ngunit ng dahil sa ginawa na
Niya ang daan at ng mga bagay ng patnubay na napakadali, at
ginawang malaya ang tao upang pumili sa pagitan ng patnubay at
paglihis, nabigyan Niya ang tao ng malaking tulong. Kung kanya
bang pipiliin ang kalihisan at tanggihan ang patnubay, kaya
manindigan siya bilang isang nasasakdal.
Ang halimbawa ng nabanggit sa itaas na kaisipan ay
kahalintulad ng isang tao na nagbigay ng konting salapi sa isang
mahirap na tao upang ipambili ng tinapay, ngunit, sa halip, ito ay
ipinambili niya ng lason, ininom niya ito at kinitil ang kanyang
sariling buhay. Ang tagabigay ay hindi dapat sisihin, dahil
binigyan niya ng tulong ang tao na iyon, ng sa gayon, gastahin niya
ang salapi para sa kanyang kabutihan at hindi para sa kanyang
kapariwaraan.
Nagpabatid ang ilang mga talata ng Koran na walang
nagtataglay ng lakas at kakayahan maliban sa Allah, pagpupuri sa
Kanya. Ang sabi Niya, “Walang ibang kapangyarihan kundi sa
Allah,” (18:39). Wala ng salungat sa pagitan ng lahat ng
kahulugang ito at ng kalayaan ng tao sa pagpili at kakayahan
gumawa kahit ano pa ang naisin niya, dahil sa harap ng Ba nal na
Kapangyarihan at Pagka-Panginoon, siya ay ganap na mahina,
hindi nagkaroon ng kapangyarihan ukol sa mabuti o masama para
sa kanyang sarili. Kahit pa sabihin, ang Allah ang Siyang nagbigay
ng lakas sa tao at kakayahan, ang mismong lakas ng tao ay
nagpamalas ng kapangyarihan ng Allah, dahil doon naiwaksi ang
di-pagkatugma sa pagitan ng pagtatag ng lakas sa tao at ng
kahulugan ng Kanyang mga pahayag nang sinabi ng Higit na
Kataas-taasan, “Walang ibang kapangyarihan kundi sa Allah.”
Napakaraming bilang ng mga talata na nagpapatunay ng kahulugan
nito. Ang sabi ng Allah, “…Sa gayon ay hayaang sumampalataya 20
ang may nais, at hayaang di-sumampalataya ang may nais.”
(18:29)
“Iyong mga di-sumasampalataya ay magbabata ng mga bunga
ng kanilang di-pananampalataya; at iyong mga gumagawa ng
mabuti ay naghahanda ng mabuti para sa kanilang sariling mga
kaluluwa.” (30:44)
“…at sinumang kumikilala ng utang na loob ay
nagpapasalamat para sa ikabubuti ng kanyang sariling
kaluluwa; subalit sinumang walang utang na loob, sadyang ang
aking Panginoon ay Makapagsa-sarili, Mapagpala (27:40)
Ilang mga talata na nagpabatid na ang kabutihan at
kapahamakan ay nasa mga kamay ng Allah lamang. Ang sabi ng
Allah, “Sabihin, „Ako ay walang kapangyarihang gumawa ng
mabuti o masama sa aking sarili matangi sa naisin ng Allah.‟”
(7:188)
“…sa gayon ay hayaang sumampalataya ang may nais, at
hayaang di sumampalataya ang may nais.”(18:29)
―…at kung ipinatupad ng inyong Panginoon ang Kanyang
Kalooban, iyon ay hindi nila magagawa.” (6:112)
“…at kung ipinatupad ng Allah ang Kanyang Kalooban, ito ay
hindi sana nila ginawa.” (6:137)
Mula sa mga talatang ito, mapapansin natin na binigyan ng
Allah ang tao ng kakayahang maniwala kung ito ay kanyang
nanaisin, o di-maniwala kung ito ay kanyang nanaisin. Kung
gugustuhin ng Allah na hadlangan ang tao mula sa malayang
pagpili na iyon, maipagkaitan Niya ang tao ng kakayahan, at ito ay
gawing walang kakayahang gumawa ng kahit anong gusto niya. Sa
bandang huli, patutunayan natin na ito ay isang konsepto ng Shi‟a
tungkol sa tagapamagitan.21
INTERPRETASYON NG SHI‟A TUNGKOL SA
PAGKAINTINDI NG TAGAPAMAGITAN
Sa kabila ng kanilang pagkakaiba- iba,. Ang dalawang grupo ng
mga talata ng Koran na nabanggit sa itaas ay nagpapakita lamang
na ang mga pagkilos ng tao ay may dalawang mga aspeto. Ang
unang aspeto ay patungkol sa mismong sarili ng tao, sa gayon ay
mayroon siyang karapatang pumili at ng hangaring gumawa kahit
ano pa ang mga nais niya. Ito ay maliwanag mula sa napakaraming
mga talata ng Koran na ipinabatid na ang tao ay may katungkulan
sa kanyang mga ginagawa. Ang ibang aspeto ay patungkol sa
Allah. Ang mga talata na inalay ang patnubay at paglihis sa Allah
ay napakarami at maliwanag, ganunpaman, ang paraan na kung
saan mai- ugnay sa isa‟t- isa ang dalawang aspeto na ito, na katulad
ng naitipon mula sa teksto ng Koran, ay hango sa isa sa tatlong
mga kaisipan o mga opinyon.
Una: Eksistensya ng tao, at ang lahat ng kanyang galaw,
alinman mula sa kanyang katawan o kaluluwa, ay may pinagmulan
– sa Maykapal, Kataas-taasan at Dakilain ang Kanyang
Kapangyarihan. Binigyan Niya ang tao ng kakayahang gumawa ng
mabuti o masama at ang pumili ng mabuti na siyang magdadala sa
kanya sa mataas na kinalalagyan ng Kataas-taasan na ang antas at
hindi basta makakamit ng walang kalayaan sa hangarin.
Kaya, kung ang tao ang dahilan ng kanyang mga pinaggagawa,
at Allah ang dahilan ng eksistensya (pagkakaroon) ng tao, kanyang
kakayahan, at kanyang hangaring gumawa o ang hindi gumawa,
ibig sabihin ang Allah ang pinakamalayong dahilan sa mga
pinaggagawa ng tao.22
Pangalawa: Ang kapangyarihan ng Maylikha ay napaligiran
ang mga kilos at galaw ng tao. Kaya, kung gusto Niyang paiwasin
ang tao mula sa pagpili sa tiyak na gagawin o pagawain siya ng
ibang paraan ay kaya Niya, ang sabi Niya, “Kung ipinatupad
Niya ang Kanyang Kalooban, tiyak na napatnubaya Niya kayong
lahat.” (6:149).
Nilikha ng Allah ang tao upang masubukan ang mga ito. Siya
(Dakilain ang Kanyang Kapangyarihan) ay nagsabi, “Na Siya ang
lumikha ng kamatayan at buhay upang kayo ay masubok Niya –
kung sino sa inyo ang may pinakamabuting gawa.” (67:2). Kaya
hindi Niya hinahadlangan ang mga ito mula sa pagganap ng
kanilang kagustuhan sa isipan at paniniwala, bagkus, inilagay Niya
ito sa loob ng kanilang hangarin. Ang sabi Niya, “…sa gayon ay
hayaang sumampalataya ang may nais, at hayaang disumampalataya ang may nais.” (18:29).
Sa madali‟t salita, ang mga pinaggagawa ng tao ay ka-ugnay sa
Allah sa gayon ay walang ginawang hadlang o pagsalungat sa kung
ano ang gusto ng taong napiling gawin.
Pangatlo: Ang mga pagnanasa at mga hilig na siyang
maglilihis at upang malinlang ang tao ay mula sa Allah (Dakilain
Siya). Binigyan ng Allah ang tao na gumawa ng kabutihan o
masamang gawain ng sa gayon ay masubukan Niya ito habang
nabubuhay sa mundong ito.
Dahil ang mga pagnanasa at mga kinahihiligan ay mula sa
Allah, ang mapalihis ay mula sa Allah, kahit pa ang katotohanan
na kaya napaligaw ang tao dahil ito ay kanyang hangarin at sa
kanyang sariling malayang kagustuhan. Ano ang sinabi ng Allah
tungkol sa mga idolo sa kasaysayan ng Propetang Abraham (a) ay
ang magpapatunay dito kahit pa ayaw ng Allah maligaw ang mga
tao. Ang sabi Niya (Dakilain Siya), “Panginoon ko! Tunay ngang
iniligaw nila ng landas ang marami sa sangkatauhan.” (14:36).
Ang pagkaligaw ng tao ay kagagawan ng kanilang sarili. Ang mga 23
diyus-diyusan (idolo) ay mga nililok lamang na walang pandama at
wala silang kakayahang iligaw ang mga tao, sapagkat sila ay
walang sariling paghangad (kagustuhan).
Sa kabuoran, ang kundisyon para sa mga gawain ng tao ay
bahagi ng sapat na dahilan ng kanyang mga ginagawa, na siyang
ring nagmula sa Allah (Dakilain Siya).
Ang ibang katibayan na nagpapatunay sa konsepto ng Shia ay
tagapamagitan na nasa pagitan ng sapilitan at ng malayang
hangarin na kung saan sinabi ng Allah, “…at nang pumukol ka ay
hindi ikaw ang pumukol (sa kalaban), kundi ang Allah..” (8:17).
Maliwanag sa talatang ito na ang pagpukol ay iginawad sa
mismong tao dahil ang sabi ng Allah, ―nang pumukol ka,‖ at sa
mismong pagkakataon sinabi ang kataliwasan dahil nagsabi din
ang Allah, “at hindi ikaw ang pumukol” ito ang tumanggi ng
paggawad ng akto sa tao dahil diyan napatunayan ang konsepto ng
panggitna.
No comments:
Post a Comment