Friday, September 9, 2011

MANAHIN MULA SA MGA PROPETA



    Ang mga Shia ay pinaghinalaan sa kanilang paniniwala na
ipinamamana ng mga Propeta ang anumang meron sila sa kanilang
tagapagmana na katulad ng ibang mga Muslim at naniniwala sila
na ang tradisyon na isinalaysay ni Abu Bakr, nang sabihin niyang,
“Kaming mga Propeta, ay hindi nagpapamana. Kung ano ang
naiwan namin, ito ay isinasaalang-alang na bilang kawang-gawa”
ay hindi totoo.
ANG KASAGUTAN
    Naniniwala ang mga Shia na ang mga Propeta ay ipinamamana
kung ano ang meron sila sa kanilang mga tagapagmana na katulad
lamang ng ibang tao. Pinatotohanan ito ng Banal na Koran nang
sabihin ng Allah,  “At si Solomon ay tagapagmana ni David.”
(27:16)
    Si Zachariah ay humiling sa Allah na nagsasabing  – tulad ng
nabanggit ng Allah sa Banal na Koran – ,48
     “At nangangamba ako sa aking mga kaanak na susunod sa
akin, at baog ang aking asawa. Kaya pagkalooban Mo ako ng
isang kahalili. Upang maging tagapagmana ko at tagapagmana
ng mga biyaya ng Tahanan ni Jacob. At gawin Mo siya,
Panginoon ko, na kasiya-siya sa Inyo. Sinabi ng Allah, „O
Zachariah, inihahatid Namin sa iyo ang mabuting balita tungkol
sa isang anak na pangangalanang Yahya. Wala pa kaming
tinatawag na iba sa ganoong pangalan.” (19:5-7)
    Napagkasunduan ng lahat ng mga Muslim na ang tradisyong ito
(Kaming mga propeta, ay hindi nagpapamana… ) ay isinalaysay
lamang ni Abu Bakr. Ito ay tumalaytay din ng salungat sa Banal na
Koran at walang makasuporta. Samakatuwid hindi ito
makapagpawalang bisa sa Banal na Koran lalung- lalo na ng
pinabulaanan ito ng pamilya ng Propeta at matapos tuligsain ni
Fatima az-Zahraa  (mapasakanya ang kapayapaan), ang pinuno ng
mga kababaihan sa buong mundo, na hindi totoo batay sa
ebidensyang di-mapabubulaanang tekstuwal na sinaksihan ng
karamihan. Napatahimik niya ang Khalifa na si Abu Bakr ng siya
ay mangatuwiran na mahirap maunawaan para sa Propeta ang
ipabatid lamang niya kay Abu Bakr ang tungkol dito at hindi niya
sasabihan sa kanyang mga tagapagmana. Ngunit ang sadyang
nakakagulat dito ay may mga tao na pilit na binababa ang antas ng
Banal na Koran sa antas nila, ipinawalang-bisa ang talata dahil
lamang sa salaysay ng isang Kasamahan para maisahan ang
hangarin kahit pa ang katotohanan niyan ay pinasinungalingan ang
tradisyon ng dalisay na pamilya ng Propeta at isaalang-alang ito na
hindi totoo.

No comments:

Post a Comment

At sama-sama kayong humawak ng taimtim sa Lubid ng Allah, at huwag kayong maghiwa-hiwalay (Qur'an 3:103)

Bakit Shi’ah? Ang katawagang “Shi’ah” ay isang pang-uring ginagamit ng mga Muslim na sumusunod sa mga Imam mula sa Pamilya ng Propeta ( A...