Friday, September 9, 2011

MAKIKITA BA ANG ALLAH?



   May ilang mga tao, ay huwad na pinipintasan ang mga Shia
sa pamamagitan ng pagsabi ng napakaimposibleng makita ang
Allah alinman sa mundong ito o sa kabilang buhay, at
bumanggit pa ng ilang tradisyon ng Propeta na nagsasabi na
ang Allah ay makikita sa kabilang-buhay.
ANG KASAGUTAN
Ang sabi ng Allah:
    Hindi siya maaabot ng paningin ngunit maabot ng Kanyang
paningin ang lahat. At Siya ang di-mawatasan, ang nakakaalam
ng lahat. (6:103)
  Siya, ang Makapangyarihan, ay nagsabi din habang
kinakausap ang Propetang Moses (a):
   Ako ay hindi mo makikita (7:143)  2
    Ang sabi ni Az-Zamakhshary sa kanyang aklat al-Inmuzage
(ang halimbawa):
    ((LAN  – „Never, ibig sabihin,  hindi kailanman;  kaya
nagpapatunay ang talata na ang Allah ay hindi makikita
kailanman.))   
 
    Siya, ang Makapangyarihan, ay nagsabi din:
    At iyong hindi umaasa ng pakikipagtagpo sa Amin, ay
nagsasabi, “Bakit hindi nagpapapunta sa  amin ng mga
anghel? O, bakit hindi namin makita ang aming
Panginoon?” Tunay, sila ay lubhang palalo at labis na ang
pagsusuwail. Sa araw na makikita nila ang mga anghel  –
hindi magkakaroon ng mabuting balita sa araw na iyon para
sa nagkasala; at sila ay mananangis sa  pagdurusa, “Dahil
doon ay mayroong matibay na hadlang!” (25:21-22)  
   Ipinabatid sa atin ng mga talata ng Koran ang tungkol sa
tatlong mga bagay:
1) Ang makatagpo ang Allah ay tiyak at hindi ito                                                                
maiiwasan kahit pa ayaw ng mga mapagmataas ang
magkagayon.                                                                                                  
2) Yaong mga tumanggi na makatagpo ang Allah, ay
magsasabi, “Bakit hindi  nagpadala sa  amin    ng  mga
anghel? O, bakit hindi namin makita ang aming
Panginoon?”                          
3) Makakita ng mga anghel sa Araw ng Muling-pagkabuhay
ay magaganap.
   Nagpakita ang mga talata sa mga yaong hindi naniniwala sa
Allah at magsasabi, “Makikita ba namin ang aming
Panginoon?” Kaya, sinagot sila ng Allah na makikita nila ang 3
mga anghel sa Araw ng Muling-Pagkabuhay. Kung ang
pagkita sa Allah ay maaari, ipagkaloob  sana  sa   kanila  ng
Allah ang gayon. Ano ang magaganap sa araw na iyon ay
makatagpo ang Allah ngunit hindi Siya makikita. Mayroon
lamang apat na tradisyon ng Propeta ang matagpuan sa mga
aklat ng mga Sunni na malinaw na nagpapatunay na ang Allah
ay makikita sa Araw ng Muling-Pagkabuhay. Ang mga
tradisyon na ito ay isinalaysay nina Jarir, Ab u Hurayra, ibn
Razin at Suhayb.
   Ang apat na mga tradisyong ito, maliban sa kahinaan ng
serye ng kanilang mga mananalaysay, ay minsan (Aahaad)
lamang ito pinagtibay at hindi kapakipakinabang pagdating sa
katiyakan; samakatuwid, hindi tayo makakaasa sa kanila na
kabilang ito sa mga paniniwala. Kailangan talaga magkaroon
ng tiyak na katibayan. Ang sabi ng Allah:
    At huwag sundin iyong wala kayong nalalaman. Tunay
nga, ang tainga at ang mata at ang puso – ang lahat ng ito
ay pananagutin. (17:36)
    Malinaw na napatunayan na ang pagkita sa Allah ay hindi 
mangyayari. May katwiran man at tradisyonal na mga patunay
ay nanindigan laban sa pagsakatawan ng Allah at dakilain Siya
laban sa gayon. Makatagpo ang Allah sa Araw ng Mulingpagkabuhay ay ibig sabihin Siya ay madama ngunit walang
anumang panggitna, kabilang na ang panggitna sa
pamamagitan ng paningin. Ang taong bulag ay maaaring
makipagtagpo sa ilang pangkatawang bagay kahit hindi ito
nakikita. Pagkatapos niyon, maraming patunay na puwedeng
ipakita na ang Allah ay hindi isang pangkatawang bagay, dahil
ang pangkatawang bagay ay nasasaklaw ng lugar at panahon.
  
    Nasabi natin sa ating aklat na may pamagat Jami’ Baraahin
Usul ul-I’tiqadaat (Ang Paglikom ng mga Patunay—Ang mga
Prinsipyo ng mga Paniniwala) pahina 64-67, na napaka-4
imposible para sa Kailangan sa Pagiging (Wajibal
Wujud/Necessary Being) na maging pangkatawang bagay.
Marami na kaming nabanggit na mga  katibayan patungkol
diyan. Narito ang ilan sa kanila:
Ang Unang Katibayan:
    Ang pangkatawang bagay ay may tatlong dimensyon: lapad,
haba, lalim. Ito ay ang pagsama-sama ng mga bahagi. At ang
nagsama-sama o kombinasyon ay nangangailangan ng sarili
nitong mga bahagi. Na anumang bagay na nangangailangan ng
mga sangkap upang ito ay magkaroon ay hindi isang
Kailangan sa Pagiging (Necessary Being/ Wajibal Wujud).
Ang Pangalawang Katibayan:
     Ang pangkatawang bagay ay may hangganan at ito ay
palaging nahaharap sa banta na malilipol sa lahat ng mga
anggulo, ngunit ang Kinakailangang Eksistensya (Waajibal
Wujud) ay hindi malilipol kahit kailan, at ito ay napatunayan
na sa maraming mga pamamaraan. Ang sumusunod ay ilan
lamang sa kanila.
    Kung ang pangkatawang bagay ay may walang hanggang
katangian, maaari nating ipagpalagay na mayroong tuldok na
kung saan nagmula ang dalawang linya kung kayat nakabuo
ito ng anggulo,  ang dalawang mga linyang ito ay lumalaki
habang sumasabay sa paglaki ng pangkatawang bagay. Kung
ang pangkatawang bagay ay walang hanggan, ibig sabihin ang
dalawang linya ay lalago hanggang sa walang hanggang. Dahil
ang lawak ng layo sa pagitan ng dalawang linya ng anggulo ay
magkapareho sa paglaki ng dalawang mga linya, at dahil sa
walang hanggang ang dalawang mga linya, ang layo ng
pagitan ng mga iyon ay maging walang hanggan  din. Ito ay
magiging salungat bilang may hangganan sa pagitan ng
dalawang mga linya. 5
    Ipagpalagay natin na mayroong guhit na pinalawak
hanggang sa walang hanggan (linya A) at sa tabi nito, may
isang bilog na umiikot sa palibot ng linya ng nagpapainog. Isa
sa tikin nito ay nasa ibabaw ng walang hanggan na linya at ang
isa ay nasa ilalim nito. Bago pa mag- umpisa ang pag- ikot nito,
ipagpalagay natin na mayroon pang isang linya (linya B) na
nagmula sa bilog nakatayo patungo sa nagpapainog at
kaagapay sa walang hanggan na linya, sumasabay din ito
hanggang sa walang hanggan. Sa ganitong paraan, kung ang
pabilog ay iikot patungo sa walang hanggan na linya, ang linya
na nanggagaling sa bilog (Linyang B) ay bumabalagbag at ng
walang hanggan na linya (linya A) dulo sa dulo. Ang unang
tuldok na kung saan bumabalagbag ang dalawang linya ang
siyang dulo ng dalawang linya na kung saan wala pang
pagbalagbag na  nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Samakatuwid, dito mapapatunayan na ang unang dulo ng
bumabalagbag ang siyang huling dulo ng dalawang linya.
Kaya, ang dalawang linya ay may hangganan at di-maaaring
maging walang hanggan.
PATUNAY NG PAGGAMIT:
   Ipagpalagay natin na anim na linya ang lumalabas mula sa
dulo na nasa loob ng pisikal na bagay patungo sa anim ding 
direksyon, at itoy lumalawak sabay sa paglawak ng pisikal na
bagay. Pagkatapos ay  putulin natin ang bawat bahagi ng linya
sa may tagiliran tungo sa pinagmulan na dulo nito. Pagkaraan
nito gagamitin natin ang bahagi patungo sa dulo na kung saan
ito ay nagsimula bago pa ito nabahagi. Ito ay magiging,
alinman sa dalawa, ang lalawak tungo sa walang hanggan, ang
pagdagdag ng eksistensya nito ay magkapareho sa kung paano
ito binawasan at ito ay imposible, o di kaya ito ay mabawasan
katulad ng dami habang ito ay pinuputol, at dahil diyan ito ay
may hangganan. Ang pagdagdag ng mismong linyang ito ay 6
kailangang katulad lang din ng dami sa pagbahagi nito at wala
ng iba. Dahil diyan ang pagkalimitado ng anggulo ng bawat
pisikal na bagay ay napatunayan. Ang pagpapatunay ay
maaaring tiyakin kahit hindi gamitan ng hipotetika. Kung ang
ibang guhit, matapos na putulin ang bahagi ay magkapareho sa
orihinal na guhit bago pa ito ibahagi, ibig sabihin ang bahagi
ay kailangang pantay sa kabuuan. Ito ay imposible. Kung ito
ay  kakaunti, kailangang ito ay may hangganan. Kaya ang
orihinal na guhit, bunsod ng pagdagdag nito, ay nangyari
lamang sa pamamagitan ng kabuuan ng mismong bahagi.
Ang ikatlong katibayan:
     Ang bawat pangkatawang bagay ay may simula;
samakatuwid, hindi maaari para sa isang Kailangan sa
Pagiging (Necessary Being) na maging pangkatawang bagay,
Ito ay magiging malinaw kung ipapaliwanag natin sa
sumusunod na mga puntos.
1. Personal na mapapatunayan na ang pangkatawang
bagay ay hindi maihihiwalay mula sa pagiging
gumagalaw o sa pananatili. Walang duda na ang
pangkatawang bagay ay alinman sa pananatili sa
isang lugar  o ang gumalaw mula sa isang lugar
patungo sa iba.
2. Ang ibig sabihin ng paggalaw ay manatili sa isang
lugar sa isang saglit at lumipat sa ibang lugar sa
susunod na pagkakataon. Ang manatili sa
pagkahinto, ibig sabihin, ay maging sa isang lugar sa
isang saglit at maging sa lugar ding iyon sa susunod
na saglit. Samakatuwid, ang bawat pangkatawang
bagay ay may dalawang kaso: ang manatili sa isang 7
lugar sa unang saglit at, sa ikalawang sandali, ay ang
manatili sa iisang lugar o sa ibang lugar.
3. Maging sa isang lugar sa isang sandali at sa parehong
lugar o sa ibang lugar sa susunod na sandali ay
dalawang magkaibang kapanatilihang kinalalagyan
sa isat- isa, maaari ding mangyari kung ang isa sa
kanila ay lilipat at ang isa ay hindi.
4. Bawat pisikal na bagay ay mayroong natatanging
pagkakaroon at ang pagkatangi na kung saan ito ay
makilala mula sa ibang pangkatawang mga bagay.
Itong pamumukod-tangi ay likas sa  kanyang
kinaroroonan na oras at lugar. At dahil sa ang lahat
ng may pinagmulan na namumukod-tangi ay ang
pagkakaroon at ang kaibahan ng isang pisikal na
bagay ay dahil sa kanyang pinaka-esensya, ibig
sabihin ang lahat ng mahalagang bagay na kaugnay
nito at mga kaibahan ay nagkaroon bunsod ng pisikal
na bagay bilang kanilang pinagmulan. Kaya ang
pagbabago mula sa kinalalagyan na lugar at panahon
ay nangangailangan din ng pagbabago ng eksistensya
ng pisikal na bagay na iyon.
5. Ang pagkakaroon ay eksistensiya.  Ang  pagbabago
ng pagkakaroon ay pagbabago ng eksistensya. Ang
pangkatawang bagay ay palaging nagbabago. At sa
bawat sandali ang kanyang eksistensya ay dimagkapareho mula sa eksistensya nito bago pa
maganap ang sandaling iyon. Ang paggalaw at ang
pagbabago ay tunay na nasa kanyang eksistensya at
hindi sa kung anupamang panlabas ng kanyang
pagkakaroon. Ang paggalaw ay nasa hilagyo na at
sadyang kalamnan na mismo ng pangkatawang
bagay. Dito mapapatunayan na ang bawat
pangkatawang bagay ay may sariling paggalaw.8
6. Maging walang eksistensya at maging eksistensya ay
katunayan ng paggalaw i.e. maging walang
eksistensya sa isang sandali at eksistensya sa
susunod na sandali. Sa isang saglit tungo sa isang
saglit, ang lahat ng pangkatawang mga bagay ay
nagkakaroon ng eksistensya at pagkatapos ay
nawawalan ng eksistensya at ang bawat eksistensya
ay humahalili ang pagka walang eksistensya nito. Sa
totoo, kung ikukunsidera natin ang kaanuhan
(kasangkapan) ng pangkatawang bagay, paggalaw at
pananatili ay hindi sakop ng kaanuhan (kasangkapan)
nito, bagkus sila ay mga panlabas lamang at naganap
lamang dito. Ganunpaman, ang eksistensya ng
pangkatawang bagay at ang pagkakaroon nito ay
hindi magkaiba sa eksistensya at pagiging simula ng
sandali nito. Kaya ito ang maging patunay na ang
pangkatawang bagay ay hindi nagkaroon ng
dalawang eksistensya sa iisang sandali, isa sa dalawa
ang pagiging eksistensya nito at ang pangalawang
pagiging eksistensya nito ay sa mismong sandaling
iyon. Bagkus ito ay mayroong lamang isang unang
eksistensya. Kaya ang pagbabago ng pangalawang
sandali ay ang di-pagkakaroon ng eksistensya sa
unang sandali at ng pagkakaroon sa ibang
eksistensya…at tuloy tuloy ang paghalili ng mga
sandali. Ito ay hindi walang kapanatilihan sama ng
pagkakaroon ng pangkatawang bagay na may
(karaniwang) nakakabit na anyo sa lahat ng
humaliling mga sandali at sa katawagan nitong
pangkaraniwang anyo, na ikinukunsidera bilang isa
sa pangkatawang bagay. Ang pag-uugnay ng  anyo
ng paggalaw ay gayon din nangangailangan ng
umano, iisang galaw tungo sa konektadong anyo
mula sa simula nito hanggang sa kahuli- hulihan nito.9
     Maaari mo ding sabihin na ang kategoriya, kung kailan, ay
isa sa siyam na kategoriyang kusang naganap na may
dalawang gilid, ang isa niyon ay ang panahon, at ang panahon
ay hinugot mula sa paggalaw ng kalangitan.
     Ang aking tugon,  ang panahon, na sinasabing mga gabi,
mga araw at ang kanilang mga bahagi, ay hinugot mula sa
paggalaw ng kalangitan na may nakapaloob na araw, o mula sa
kanyang kinalalagyan na paggalaw ng mundo at ng pag-inog
nitong palibot sa tikin nito tulad ng nadiskubre sa ilang kahulihulihang mga siglo. Ganunpaman, ang sadyang paggalaw at
ang kakailanganin ng pangkatawang bagay ay naitatag sa
pamamagitan ng kababanggit pa lamang na patunay.
Samakatuwid, ang ugnayan ng mga sandali  – na siyang
binubuo ng panahon  -, tungo sa (sadyang paggalaw) at
hanggang sa paggalaw ng kalangitan ay magkapareho, alinman
sa paggalaw ng kalangitan, sa kalawakan man o hindi.
7. Ang pangkatawang bagay ay palaging nasisimu- lan,
ang pagiging simula nito ay nababago sa tuwituwina, at ang siyang nasimulan sa bawat saglit ay
hindi katulad noong bago pa ito  nasimulan.
8. Naitatag din na napaka- imposible para sa isang
pangkatawang bagay na maging isang Kailangan sa
Pagiging (Necessary Being), at hindi Niya ito 
kailangan, ang Kataas-taasan na maging isang
pangkatawang bagay dahil ang hindi pagkakaroon
(non-existence) ay hindi maaari para sa Kanya. At
paano maging posible ang di-pagkakaroon ay ialay
sa Kanya habang ang lahat ng nagkaroon ay nagmula
sa Kanya. Siya ang Maylikha ng lahat ng mga
nilalang, di-materya man at pangkatawan,
pandaigdigan man at pangkalangitan, sa lahat ng
lugar at sa lahat ng panahon, yaong mga bagay na 10
nananatiling nakatayo at yaong mga kumikilos, sa
lahat ng mga kinalalagyan at sa lahat ng mga sandali.
                  
   

No comments:

Post a Comment

At sama-sama kayong humawak ng taimtim sa Lubid ng Allah, at huwag kayong maghiwa-hiwalay (Qur'an 3:103)

Bakit Shi’ah? Ang katawagang “Shi’ah” ay isang pang-uring ginagamit ng mga Muslim na sumusunod sa mga Imam mula sa Pamilya ng Propeta ( A...